Bagyong Milenyo

1.5K 24 2
                                        



share ko lang po ang aming karanasan


dito po kami ngayon nakatira sa makati, kung natatandaan niyo po noong Sept 2006 ay bumagasak po ang bagyo saatin na pinangalanang Milenyo.

Tandang tanda ko pa kung paano kami na stranded sa bubong ng aming bahay...

Then...

2 buwan na nakalipas ay nakakarecover na aming lugar sa trahedya..

Isang gabi ay may ginawa kaming project saaming kaklase..

nag overnight kami sa bahay nila.. at sa bandang 9pm ay nagdecide kami na mag ghostr hunting, pero kailangan muna namin tapusin ang aming project...

nang matapos kami 11pm ay nagdecide kami na lumabas...

medyo nakakalayo na kami sa kanilang bahay at nandun kami sa isang madilim na lugar at kami ay kapit kapit habang naglalakad. nakakaramdam na ako ng takot nang gabing iyon.

anim kami ang lumabas ng gabi nang manyari ang ikinatakot namin..

dahil nga kapit kapiot kami nakaramdam ako nang isang malamig na kamay na kumapit saaking baraso dahil ako ang nasa dulo nagtaka ako kung sino yun..

Pagkatingin ko sa aking braso isang matandang lalake at maputik ang aking nasaksihan, 

seryoso ang mukha nitong nakatingin saakin at dun na ko nagsimulang sumigaw...

nakita rin ito nang aking mga kasama kaya kami nag simula nang tumakbo...

sa kalayuan ay lumingon ako sa kanya kitang kita ko kung paano ito tumingin ng seryoso samin at nawala na parang bula..

sa aking kutob isa siya sa nabiktima ng Milenyo..

Hinding Hindi ko malilimutan ang matandang putikan na iyon...

Kilabot Secret filesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon