PRANK

165 1 0
                                    


Nangyare po to nung January lang. January 13, 2018. Tago ko nalang po siya sa pangalang Elle. Girl siya and mahilig siyang mag joke at prank. Natulog po kami sakanila nun dahil wala ang parents niya. 4 kaming girls, mga kaibigan ko sila. Sooooo nagsimula kami mag movie marathon ng 9pm sa sala nila. Ganito pwesto namin, si elle nasa couch inangkin niya ung buong couch kaya kaming tatlo naglapag nalang ng foam sa baba, bali ung couch nasa likod namin medyo malayo rin. So ayon, nagsimula na kame manood.



Nung around 2am na nakaka tatlong movie na kami tapos bigla nalang nagtanong si M. sabi niya 'asan si Elle?' napatingin kami lahat sakanya sabay sabay kaming lumingon sa couch, wala nga siya. so sabi ko nalang baka kumuha ng pagkain, kaya hinayaan nalang namin. umabot na ng ilang minuto, siguro 15 minutes wala pa rin siya. sabi ni B, baka pumunta na sa kwarto natulog na. Kaso sabi namin magpapaalam naman siya kung ganon. Nagsimula na kami mag worry, kaya binuksan ko na ung ilaw. Maya-maya may narinig kaming nag hum mula sa taas, medyo malakas siya. Nagtinginan kaming tatlo, walang nagsalita saamin at nagtinginan lang.

Nagsimula narin kami matakot kasi nagreact si M, nagkumpulan kami sa gilid HAHAHA. Tas biglang sumigaw si M kase may biglang lumitaw na babae, nakawhite dress siya tas ung buhok gulo gulo. tas napagtanto din namin na si Elle yun, kase bigla siyang tumawa ng malakas. Nainis kami sakanya nun lalo na si M, duwag kasi yun muntik ng mahimatay lol jk tas gumamit pa talaga siya ng props. ginamit niya speaker niya tas nag play siya sa youtube ng babaeng naghhum, infairness kasi ang creepy nung napili niya. anyway, so napagdesisyunan na namin matulog, pinatay na namin TV at pumanik na sa taas.(dito na po magsisimula, kinuwento niya lang saamin to)3am na nung natulog kami,


sabi niya, naalimpungatan daw siya ng 4:06AM. Tulog na kaming tatlo kaya nagphone nalang siya nun. tapos nakaramdam daw siya ng uhaw kaya bumaba siya at uminom ng tubig. Umiinom siya nun ng tubig nung nakaramdam daw siya ng parang may tumapik sa likod niya. natakot daw siya non pero hinayaan lang niya, mabilis siyang pumanik sa hagdanan tas daw nung lumingon siya may nakita daw siyang babaeng nakaputi, wala daw mukha blurred (o sadyang blurred lang paningin niya jk, nagsasalamin kasi yun eh pero nung time na to hindi siya nakasuot ng salamin) pero nakatingin daw yun sakanya. Nung tumimingin siya sa baba dun siya kumaripas ng takbo papunta sa kwarto niya. Wala daw kasing paa ung babae, nakalutang lang. hindi na siya natulog nun at hinintay nalang kami magising. Maaga naman kami nagising nun mga quarter to 6. hindi niya agad kinuwento saamin yun, tas kaya pala nung umaga ang tahimik, eh ung babaeng yun jolly.


Nung hapon na, dun niya kinuwento saamin. buti nga daw medyo malabo mata niya at blurred ang nakita niya. Tasssss simula nun, di na muna kami natulog sa kanila pati siya di na siya natulog sa kwarto niya, tumatabi siya sa parents niyapero ngayon, tinatawanan nalang namin yun. tapos kahapon lang april 15 natulog ulit kami sakanila. nagtakutan pa kami non pero wala naman nangyaring nakakatakot. tsaka sabi niya di na daw niya ulit nakita ung babae.lesson learned, kung ayaw mong gawin sayo, wag mong gawin sa iba. ung problema nga lang ung sakanya, totoo.yun lang po hehe sana po mapost to kahit di gaano nakakatakot. thankyou po!

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon