Sir.

1.1K 9 1
                                    


Hi po

Camp po namin noon 2013 kaming mga GSP (girl scout of the phil) oct.3 2013 sa school namin.

Nagsimula po ang activity ng 8:30pm natapos po ito ng 1am lahat ay nasa kani kanilang mga tent. Kaming mga kagroupmates ko ay nagpasiyahan namin na wag na matulog at mag kwentuhan nalang.

Hanggang sa maikwento po ng ka groupmate ko patungkol sa computer room, naalala ko yung kwento pa ng teacher namin patungkol din sa computer room.

Napatigil siya sa pagkwento at ako ay tinuloy ko ang kwento ng teacher ko sa kanya dahil siya pala ang kinukwento ng teacher namin about sa computer room at nagtugma yun sa kwento niya.

Kinabahan ako ng sobra dahil di lang pala yung multo sa computer room ang nagpapakita sa school namin.

Nakwento niya yung patungkol sa assistant principal at security guard na di nagtagal sa school namin.

Ang kwento niya ay ganito

Yung security guard ay nakaduty ng gabi at nilibot niya ang school namin at napahinto siya sa 2nd floor sa may office. May nakita daw siyang lalake na puro sugat ang katawan papalapit sa office.

sabi ng guard  "sir wala na pong tao diyan na ka lock na po yan"

Hindi po pinansin ang guard at pinagpatuloy parin ang paglapit sa office.

bumaba nalang po ang guard at inantay nalang sa baba. At sa tagal na nagantay ang guard ay nakatulog na ito.

Kinabukasan po ay nagtanung ang guard sa teacher..

ang sabi po ng teacher sa guard ay

ang nakita mo ay si sir ________,yung matagal na patay yun!

one time nagikot nanaman ang guard pero that time umaga na yun.

Lahat po ng teacher and student ay nasa misa ng time nayun at muli nanaman niya nakita ang teacher na yun.

Nasa faculty room naman ito na nasa malapit sa pwesto ng guard sa baba sinabihan nanaman uli ito ng guard


sir wala na po ang mga teachers dian nasa misa na po silang lahat.

Di po siya pinapansin nito at binubuksan ang doorknob ng faculty.

Dun lang naalala ng guard na si sir________ ay matagal ng patay....

Dahil po sa pangyayaring yun ay balita balita sa school na ang guard na yun ay wala na sa school dahil sa nangyari..


yun lang po mr. author maraming salamat!


Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon