by: nagpapatago
Ang kwentong pong ito ay nangyari nung isang taon lang..
Nung panahon po ng wala pang curfew ay madalas lumalabas ang nanay ko para makipag kwentuhan kahit 10pm na nang gabi talagang sasama niya pa ako para pumunta sa kung mare niya sa kabilang phase na medyo malapit sa court sa subdiv namin.
Habang nagkukwentuhan ang dalawa ang mama ko at ang amiga niya sa labas lang po kami nun di man lang kami pinapasok bait diba?
Mga ilang minuto pong nakalipas nakarinig ako nang iyak sa bandang basketbal court, di naman gaano kalayo at kalapit ang basketball court sa bahay ng kaibigan ng kaibigan ng mama ko,
Nung di ko nalang pinansin hanggang sa curios talaga ako tignan dahil palakas ng palakas ang iyak nasa isip ko bata lang siguro na pulubi..
Pagsilip ko sa basket ball court medyo madililim dahil walang naglalaro, at dahil may mga nagiinuman malapit doon ay sinubukan ko na rin tignan dahil di naman gaano kalayuan sa pwesto nila mama,
May naaninag akong bata na naka white dress at umiiyak, matapos ko makita yun ang sabi ko lang ay bata lang pala!
Bumalik na ako kila mama na nakangiti pa
at sinabing
may bata papala sa ganitong oras?
Bigla nanalang nanahimik sila mama at sinabing
bata? wala nang bata nang ganitong oras
pinagpipilitan ko sa talaga sa kanila na may bata tinturo ko pa nga sa kanila sa may bandang mga upuan pero di parin nila makita at di nila ako pinaniniwalaan..
makalipas ang ilang minuto ay balik sa dating gawi malapait nang matapos ang usapan nila nang makita ko ang bata na tumatakbo papunta sa may pwesto na may liwanag, nakita ko ang bata nakatalikod ito basag ang likod nito at bigla nalang naglaho..
Kumapit ako nang mahigpit kay mama at sinabing umuwi na kami
Minsan nga pag inuutusan ako ni mama na may pinabibigay sa kung mare niya at gabi na pinagpipilitan ko at umaayaw talaga ako dahil sa takot na baka makita ko nanaman ang batng yun.
Hanggang nagyon po ay di ko malilimutan ang creepy experience ko sana po ay mailgay niyo sa story niyo
BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Historia Cortabased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2