MT. Pinatubo

396 6 0
                                        


Yung tito ko and yung mga friends niya ay may pupuntahan na burol sa pampanga. Dalawa yung car na dala nilang magkakaibigan, along the way nauna yung isang car at nawala sa harap nila. So yung car na sinasakyan ng tito ko ay yung nahuli. And the story begins here.

Dahil nahuli sila tito and hindi nila kabisado yung daan, nagtanong sila sa taong nakita nila sa kalsada. Ang sabi ni manong dumeretso lang daw at kumanan sa unang kanto, mga ilang kilometers pa daw bago makarating sa destination. After nila magtanong gumayak na sila. Habang nagdadrive yung kasama ng tito ko nagtataka sila dahil biglang lumalabo yung daan at halos puro puti nalang nakikita nila. So nagwaze yung isang kasama nung tito ko, at ang tinuturo ng waze is yung katulad nung tinuturo ni manong na pinagtanungan nila. Kaya dumeretso pa din sila. Nung wala na talaga silang makita sa daan kundi puro puti, naisipan na nilang tawagan yung mga nasa unang car at tinanong kung nasaan na sila at kung may nadaanan din sila na walang makita kundi puti. Ang nakakapagtaka ay walang nadaanan yung unang car na ganun. At nung nagkahiwalay sila ay mga 5 minutes lang nasa burol na yung unang car. Tinatawagan nga sila tito pero wala daw sumasagot. At halos 2 hours na sila tito ko sa diretsong daanan wala pad in sila sa burol. Isa pang nakakapagtaka ay yung tito ko tahimik lang at hindi nagsasalita.

Kaya napag isipan ng driver na umikot nalang at bumalik kung saan sila naghiwalay nung naunang car para sunduin. Tapos nagvolunteer yung isang friend ng tito ko na lalabas para iguide yung sasakyan dahil iikot at halos walang makita sa daanan. Nagulat nalang ang lahat nang sinabi ng tito ko na "WALANG LALABAS KAHIT ANONG MANGYARI!" Kaya walang lumabas ng kotse. Kahit walang makita sa daan, pinilit pa din ng driver na umikot at mga ilang oras nakabalik na sila sa lugar na napag usapan. Nagulat sila nung nakarating sa burol na halos 5 minutes lang. Nung nandun na sila sa burol, sinabi ng tito ko nung nasa daanan sila na puro puti may mga tao sa labas ng kotse na nagpupumilit pumasok sa kotse at humihingi ng tulong dahil sumabog na yung bulkan. Kaya sumigaw tito ko nun na WALANG LALABAS dahil ayaw niyang makapasok yung mga kaluluwa na hindi pa tanggap na patay na sila. So yung puting nakikita nila ay hindi hamog kundi abo. At nung sinearch nila yung lugar na sinasabi ni manong na napagtanungan nila, yun yung lugar kung saan maraming namatay dahil hindi nag evacuate nung sumabog yung Mt. Pinatubo.

May mga kweto nga doon sa burol na kung tumuloy sila sa destination or kung may nakapasok sa kotse nila, malabo na daw silang makaalis sa daang puro abo.

Nung narinig ko itong kwento to, kinilabutan talaga ako.

Kilabot Secret filesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon