VILLAGE

335 6 1
                                        

Sa Muntinlupa yon. Sa village na sikat at pareparehas ang itsura ng bahay. Ilang taon pa lang ako non nung lumipat kami sa isa sa mga bahay don. Dalawang floors at likod ng bahay ay parang nakakatakot na street sa kabila. Grade one ako yung kwarto namin ng mama ko don nakatapat sa bintanang yon sa likod. Naririnig ko lang sa kwento ni mama na meron syang nakikita sa may bintanang di nya alam kung ano. Minsan pa, may maririnig kaming boses na di maintindihan.

Maganda ang village na tinirhan namin kaya di rin kami makalipat agad pero nang may nahanap kaming lilipatan sa same village pero ibang bahay, lumipat agad kami.

Sa pangalawang nilipatan namin, wala naman. Maayos naman pero medyo masikip kaya lumipat na naman kami after ilang years. Same village na naman pero ibang bahay. Kahilera ng bahay namin sa una.

Ito yung pinakamaganda kasi hanggang third floor, may attic at maluwag talaga. Okay naman kaming tumira don ng ilang taon hanggang sa may naramdaman na kami sa bahay.

Highschool na ako non, mag isa lang lagi sa bahay kasi may mga pinupuntahan yung lola at parents ko tuwing nauwi ako. May shadow na mabilis na nababa sa hagdanan. Isa pa don yung kwarto na gitna. Tuwing nasa masters bedroom kami kahit marami, may biglang dadaan papasok sa gitnang kwarto. Nang itanong namin kung sino, wala namang nasagot.

Buong akala ko kami lang mga bata ang nakakaramdam non, pero nang marinig namin yung usapan ng mga magulang at tita namin, hindi lang pala kami ang nakakapansin na may napasok sa kabilang kwarto.

Isang araw pa non, may party sa school, dinala ko yung kaibigan ko sa bahay, dalawa ng kami don. Nung nasa masters bedroom kami sabi nya ""Sino yung tao sa kabilang kwarto? Nakakahiya naman nandito pa tayo sa kwarto."" Nagtaka naman ako kasi walang tao, hindi naman nya siguro ako lolokohin kasi hindi nya naman alam yung storya sa bahay namin kaya sabi ko na lang wala yon.

Yung takot ko sinarili ko na lang pero nang makababa kami sa dining area sabi nya naman ""Be may umakyat sa taas baka pagalitan tayo non di pa ko nabati.""

Kaya sinabi ko na sa kanya na wag pansinin kasi parang may nagpaparamdam sa bahay kaya umalis na kami don kasi medyo natakot na din sya.

Hindi lang sa kwarto yon. Pati hagdan tyaka attic. Yung attic kasi gawa sa kahoy yung baba kaya rinig na rinig mo yung ingay pag may natapak. Ilang beses din kaming nakarinig ng tapak non sa taas kahit walang tao kaya napagpasyahan naming lumipat na lang ng bahay ulit.

P.S. Bakante yung bahay ngayon. Baka isa kayo sa lumipat. Hehe Enjoy your new mates!

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon