New House

2.4K 29 2
                                    


(nagpapatago)


Dear mr. Author and wattpad readers itong kwento pong ito ay naranasan ko nung sobrang bata pa po ako. Namgyari po ito  nitong year 2006 sa aming lumang bahay sa Caloocan. Lumupat kami sa bahay na iyon dahil malapit ito sa kompanya kung saan nagwowok ang aking nanay

Habang ginagawa ang bahay na iyon ay nagpapicture kami sa bahay,sa mga larawan nakunan sa bahay namin lumabas ang develop photos tila may  maliliit na nilalang sa larawan na kinuha saamin.

Ang mas nakakasindak pa lahat ng kuha namin ay nasa balikat namin.

hindi ko po pwede iupload ang photos dahil sinabi ng abularyo sa sumuri sa larawan, mga itim na dewende daw po yun na nakatira sa balon sa ilalim ng bahay namin.

Sabi ng mga kapit bahay namin maraming patay na hayop tulad ng pusa ang nakikita dun

kaya kinakatakutan na tambayan yun hanggang sa lumipat nga kami

Pero di namin lubos alam na may tila may kasama kami sa bahay na iyon.

Mahal na araw na iyon taong 2008 habang na sa sala ang mama at bunso kong kapatid at ako ay nasa kusina dahil naghuhugas nang pinagkainan narinig ko ang lakas na sigaw ng kapatid ko

Tumakbo ako papalapit sa kanya kita ko sa mukha ng kapatid ko ang matinding takot at sindak. Nang mahimasmasan na siya, ang sabi niya ay may nakita siyang madungis na batang babae sa ilalim ng lamesa namin.

Hindi ko na pinansin ang kwentong ito ng kapatid ko pero nang maranasan ko ang mga bagay na di maipaliwanag na pangyayari ay naniwala na ako na nandyan sila

Taong 2014 at nang hulyo nasa byahe kami pauwi ng Manila dahil nagbakasyon kami sa lola ko sa samar,saktong binabagtas namin ang San. Juanico bridge kumuha ng larawan ang papa ko sa bintana ng Bus, mabilis ang byahe namin nang mga sandaling yun nang makauwi kami nasindak ako sa mga nakita ko,sa mga kuhang larawan ng tatay ko isang itim na nilalang ang tila na lumitaw hindi ko na idedetalye ito sapagkat sinabihan ako ng papa ko na wag na mag detlaye ng kwento pa

yun lang po di ko po ninais na matakot ang mangbabasa shinare ko lang po ang kwentong ito maraming salamat po




authors note: nagpadala po siya ng litrato plsss po wag na po kayo magpadala natatakot din po ako baka di ko na maituloy to.. hahaha plss po wag na po magpadala story lang... salamat po

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon