Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Sino ang kasama ko?

198 9 1
                                        


Monthsarry namin ng boyfriend ko that day nang maisipan namin umalis. Kaen sa laban, harutan, habulan at selfie. Ganun lang masaya na kami basta sa park favorite place niya kase yun.

Sabi ko sa kanya gabi nalang kami umalis kase alam niyang di ako umaalis ng umaga at tanghali at natutulog namam ako sa hapon nagtext panga ko sa kniya bago ako matulog.

"Babe, sleep muna me ha? Seeyou later sa kitaan parin just wait me exactly 6pm okeh? I love you 😘❤"

Pag send ko natulog nako, nagising nalang ako nang biglang may tumawag sa phone. Si boyfriend...

(on call)
Bf: "Nasan kanaba? kanina pa kita inaantay dito! Naiinis nako ha? Palibhasa kase ako lang nakakamiss sating dalawa. Di moko namimiss."
(biglang baba ng phone na halatang galit na galit siya sa boses niya)

Syempre bilang gf, alam kong nagtatampo lang siya kaya di nako nagdalawang isip puntahan siya.

Dumating nako sa tagpuan namin ng makita ko siyang ngiting ngiti sakin kahit malayo palang ako.
Ang sarap sa feeling..hanggang sa pumunta na kami sa paborito niyang park.

Tawa lang kami ng tawa that time hanggang sa umupo nalang kami sa isang tabi kase pagod na daw siya medyo madilim yung pinili niyang lugar para daw sa romantic.

Hanggang sa.....
May nagtext......
Si boyfriend......

"Babe, otw nako sorry ha? Ngayon lang pinagluto pa kasi kita eh ☺Sunduin na kita dyan sa inyo. I love you ❤"

Para akong nanigas sa kinauupuan ko ni hindi ko magawang lingunin kung sino ba talaga tong kasama ko, wala akong magawa kundi yumuko at umiyak ng umiyak.

Naramdaman ko nalang na yumakap sakin at humalik sa ulo ko sabay bulong.
"Salamat sa oras mo"

Kilabot Secret filesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon