Hacienda Luisita

581 6 0
                                    


from: Chico Locco Story


tago nyo na lang po ako sa pangalang Karina or Kara for short. Sorry dahil medyo mahaba eto pero I'll assure you na this will be worth it. Nangyari ito nung October 2013.

My grandmother is from Nueva Ecija, kaya naman nung namatay ang lolo ko we always go there with my family and my cousin na si Ron. Mostly, sa may pa Plaridel kami dumadaan papunta sa Nueva Ecija. Laging madaling araw kami nagbibyahe para walang traffic. Mabilis naman ang byahe papunta doon kaya lang traffic talaga kapag umaga, kaya kapag madaling araw lang ang daan namin doon mga 2 to 4 am. Kaya lang nung time na yun hindi nakasama ang mag ama ko dahil may sakit ang asawa ko. Dahil sa kailangan kong umuwi para ayusin yung titulo ng lupa namin noon. Kami na lang ng pinsan kong si Ron ang nagpunta sa Nueva Ecija. Hindi naman ako marunong magmaneho kaya nagcommute na lang kami.

6pm kami nakarating sa terminal ng bus. Sabi samin ng lola ko sa SCTEx na lang kami dumaan para walang traffic. Kaya naman yun ang daan ng sinakyan namin. Hindi ako masyadong familiar where exactly Hacienda Luisita is, ang alam ko lang it is one of the most controversial issue nun ng company ng ating former president. 6:30 pm na kami nakaalis sa Cubao dahil pinuno paang bus, bandang gitna kami nakapwesto. Natulog muna ako sa byahe dahil malayo pa naman at medyo pagod dahil tinapos ko muna ang paglilinis sa aming bahay. Naramdaman ko na lang ang pag alis ng bus sa terminal.

7pm tulog pa rin ako nun pero nagising ako dahil sa may malikot sa likod ng inuupuan ko. Nung una ay mahina lang na parang may nilalagay sa likod ng upuan ko kaya hindi ko pinansin. Maya maya lalong lumalakas yung pwersa sa likod ng upuan ko na parang pinupukpok, pero hindi ko pa din ininda dahil sobrang antok pa ako. Mga limang minuto pa lang ang lumilipas sobrang lakas na talaga na parang sinisipa na yung upuan sa likod ko. Kaya napabangon ako pero biglang tumigil. Tinignan ko yung pinsan ko na baka naramdaman nya din yun pero tulog na tulog sya. Pumwesto ako sa upuan ko na pa slant at hinihintay kong sipain ulit yung upuan pero wala naman ulit na gumawa nun. Hindi na ako nakatulog sa byahe kaya nakinig na lang ako ng mga kanta sa cellphone ko.

Mga around 8:20pm, nagbasa na lang ako ng bago kong biling Pinoy Comic Jokes na libro. Maya maya may naramdaman akong parang bagay na dumidikit dikit sa sakong ko (Yung part ng paa sa likod or heel in english). Nakatsinelas lang kasi ako noon at walang medyas, kaya medyo nilayo ko yung paa ko at hinakbang ko paharap. Mga isang minuto merong ulit na dumidikit sa sakong ko na parang bola dahil pabalik balik lang sa sakong ko. Parang dumudulas lang sya sa bawat paggalaw ng bus. Kaya tinaas ko na lang ang paa ko kahit medyo mahirap dahil masikip. Nagbabasa pa din ako ng libro. Limang minuto ang lumipas nang bigla na lang nalaglag yung librong binabasa ko. Dahil sa medyo inaantok ako, umayos ako ng upo at kukunin ko na ang libro, nakayuko ako. Nang biglang may sumilip na bata sa ilalim ng upuan ko. Maitim na bata, mukhang batang lansangan, maduming madumi ang itsura nya at nafroze ang aking katawan na hindi na ako makatayo. Mga ilang segundo ang lumipas bigla na lang syang nawala. Hindi ko maalala kung paano pero unti unti ko ng nagagalaw ang katawan ko at napabaluktot ako sa upuan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung titingnan ko ba yung nasa likod ko o magsusumbong ako sa kasama ng bata o sa konduktor. Ginising ko na lang ang pinsan ko.

Verbatim:

""Uy ron!""

""Oh ate bakit?"" hindi ako nakasagot sa takot kaya umayos sya ng upo at tinignan ako.

""Uy ate ano nangyari? Bakit naluluha ka? Sino umaway sayo?""

""Wala. May nakita kasi akong bata sa ilalim ng upuan"" nanginginig kong sabi.

""Nako ate, yung bata lang sa likod yun kanina pa malikot at maingay. Wag ka ng matakot"" hinawakan ng pinsan ko yung kamay ko at pinakalma ako. Sobrang takot na takot ako sa nangyari kaya naiyak ako sa takot. Hindi na natulog ang pinsan ko at nakipagkwentuhan na lang sa akin ng katatawanan para makalimutan ko yung nangyari.

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon