Aparador

400 4 0
                                        


Hi! gusto ko lang i-share tong story na ito. Kinwento lang to sa akin ng ate ko. So here it goes.
Noong bagong kasal pa lang ang parents ko, may binigay na aparador si lola kay mami, parang pamana na din ganon. Luma na kasi yung aparador, alam nyo yung antique na mga aparador na kahoy pa. Tas may salamin yung pintuan and kita yung loob kasi glass yung gilid.

Okay back to the story. Mga ilang years na nakalipas, may anak na sila (si ate), mga 6 years old na siguro si ate nun. Maliligo si mami so inutusan nya si ate na kunin yung tuwalya na nakasabit sa salamin na malapit sa aparador. So umakyat sya at kinuha yung tuwalya. Si ate may pagkamakulit nung bata siya kaya umupo siya dun sa hagdan habang nakangiti at hindi muna bumaba. Binato niya yung tuwalya kay mami sabay tawa. Noong nakuha na ni mami yung tuwalya, tumingin sya kay ate at nagulat sa nakita nya. Isang batang itim na itim at kulot na kulot yung buhok parang ita.

Tapos nakangiti na labas yung ipin, tas ang makikita mo lang na puti sakanya is yung mata at ipin nya. Sobrang natakot si mami sa nakita nya dahil nakatabi ito kay ate sa hagdan at baka itulak nito si ate. Sa kasamaang palad bukas pala ang third eye ni ate, eh napatingin sya sa kanan nya at nakita nya yung bata. Sa sobrang takot nya tumalon sya mula sa ibabaw ng hagdan hanggang doon sa baba.

Simula nun nagka-scoliosis na si ate. Ilang years nakalipas, ako naman ang naka-experience. Umiiyak kasi ako sa kwarto magisa, dahil hindi ako pinalaro ng mga ate ko sa computer. Nang bigla akong nakarinig na may sumasabay sakin sa pagiyak na nangagaling sa kwarto nila mader (ang kwarto kasi ng parents ko located sa loob ng kwarto namin meaning yung pintuan ng kwarto nila ay nasa loob ng kwarto namin). So tumigil ako saglit para makasigurado na hindi ko guni-guni yun, wala namang umiiyak. So tuloy lang ako sa pagiyak, narinig ko na naman so tumigil ulit ako. Dun na ako natakot dahil nung tumigil ako may naririnig pa rin ako na umiiyak.

Alam kong sa aparador nanggaling yun dahil nga sa mga kwento ni ate sakin. So dali-dali akong lumabas sa kwarto namin at bumaba ng hagdan. Muntik pa nga akong mahulog eh. Tinanong ni mami kung bakit, edi kinwento ko. Matapos mangyare yon nagpunta si mami kay lola at ikinwento ang nangyare. Sinabe ni lola na pamana lang din kasi sakanya yung aparador na yun so sobrang luma na. Ang sabi daw ay mayroong batang namatay doon dahil kinulong ng sobrang tagal at di man lang pinakain at pinainom ng tubig.

Sabi ni lola baka daw naghahanap lang ng katarungan yung bata kaya umiiyak. Tas tinanong ni mami ""eh pano yung nangyare kay maby? (yung ate ko)"". Sabi ni lola baka daw naghahanap lang ng kalaro kasi nga bata pa naman yun nung namatay. Kinilabutan si mami at naawa at the same time. Simula nun pina-bless ni mami yung aparador at hindi na sya nagparamdam matapos yun.
Wala na yung aparador dahil nasunog yung bahay noong 2010.

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon