Nanay

1.6K 22 0
                                    


by: Jamicah Mendoza

Papasok po ako sa work dito sa Cavite, 6am to 6pm po yung sched. ko nung araw na Aug 7 2014.

Dahil medyo malayo ang aking trabaho maaga pa lang ay naglalakad na ko alam ko nakakarelate po yung mga kailangan talaga maaga sila hehe

4:00am nagsimula na akong maglakad papalabas nang aming subdiv. medyo malayo layo pa ang labasan dahil sa dulo kami nakatira, at para makatipid at maaga pa naman ay minabuti ko nalang na maglakad.

Nang ako po ay naglalakad  ay madadaanan ko ang isang poste na nagbibigay liwanag sa daan.

alam niyo po ba yung tawag sa automatic na poste yung pag may taong dadaan ay kusang bubukas ang ilaw pero pag walang dumadaan papatay ito, yung ganun po.

pero meron din naman na ilaw na nakastay talaga.

Nung padaan na ako napansin ko na may matandang babae  na nakatayo sa may bandang dulo ng poste.

Inisip ko baka nagaabang lang ng trycle kasi abangan po talaga ng trycle yung lugar na yun kung saan nakatayo si nanay..


Iniisip ko na sabayan nalang si nanay kasi medyo kuba na siya tsaka mag isa lang siya.

Papalapit na sana ako nang nangyari ang bagay na nagpakob ng aking puso.

Akala ko nahimatay si nanay kasi bigla nalang ito natumba at yung posisyon niya na natumba siya ay straight body na nakahiga, palapit na sana ako nang biglang lumutang si nanay, 

Natakot ako mga 8 sec may dumating na trycle kaagad at tinawag ako, kung sasakay ba daw ako agad naman akong sumakay, tapos kiniwento ko sa driver, naniwala naman siya pero wala siyang pakialm nun..

Yun po ang di ko po malilimutan na karanasan ko, tanda ko pa ang itsura nang matanda, kuba, tapos para siyang naka duster na kulay blue, then yung mukha niya medyo naalala ko pa..

kaya pag morning shift ako, nagaantay na talaga ako ng trycle,,, 

Ang sabi kasi nila pag trip nila magpakita sayo magpapakita talaga sila sayo, kaya siguro mas maging handa ka lalo na po pag magisa ka..

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon