TITO

1.1K 12 0
                                        

by: richardson


Kwento ko lang po ang mga karanasan ko sa mga ganyang kababalaghan..

Naalala ko po noon ang tito ko na naaksedente, nakuryente siya sa ibang bansa,nang  iuwi ang bangkay niya dito sa pilipinas upang ilibing ay di ako nakapunta dahil nagaaral pa ako noon.

Ako lang po hindi nakapunta saming pamilya at dahil po sa nangyari nun ay nangyari ang di ko po inaasahan.

Isang gabi habang nanunuod po kami ng T.V kasama ang mga pinsan ko ay may nakita akong taong nakatayo at nakasilip sa bintana.

kaya nga ang sabi ko sa pinsan kong si raymark ay may tao sa labas,kaya agad siyang tumayo at dumungaw sa bintana upang tignan pero wala naman daw.


Kaya akala namin ay napadaan lang, pero sa pangalawang ulit t nakilala ko ang lalake sa bintana na nakatayo at nakatingin saakin.

At dun ko napagtanto na tito ko pala ang nasa bintana,nguni ang sabihin ko sa pinsan kong si raymark na nasa labas si tito ay natakot siya.


Sinabi niya saakin


sigurado ka bang si tito ang nasa labas?

dun ko lang naalala na matagal na patay si tito

Dali dali akong lumabas upang tignan kong may tao sa labas at kung si tito nga ang nakita ko.

Ngunit laking pagtataka ko ay wala naman tao, kaya laking kaba ko ang mga oras na yun. Di nanamin pinagusapan para di na magtakutan pa.

Pero di pa natatapos ang lahat, nung natutulog na ako, nanaginip ako na may humihila saakin pa puntang bintana at di ko mapigilan yun dahil di ako makakilos kaya hinayaan ko nalang daw.

Habang nanaramdam ko na nakalabas na ako ng kwarto ay maya maya pa ay tumigil na ang humihila saakin. Nakiramdam ako at pinilit kong dumilat mula sa panaginip na yun.

Ngunit iba ang nangyari!

sa pag dilat ko akala ko gising nako pero nagtataka ako bakit sa malapit sa bintana ako nakahiga, natakot nako kaya nilakasan ko nalang ang loob ko at tumingin ako sa bintana napasigaw nalang daw ako nang makita ko si tito na nasa bintana nakatayo ....naramdaman ko nalang ang pagyogyog ng katawan ko dahil  ginigising na pala ako ng pinsan ko at dun na tala akong tuluyan nagising sa aking panaginip takot na takot ako nang oras na yun.


end



Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon