BLACK SHADOW

316 6 3
                                        


Sept 2017 ng lumipat kami sa new house namin. (just like my other stories, gumana na naman ung abilities ko dito) syempre naghakot kami ng gamit namin. Yung mama ko ang unang pumunta sa bahay namin na bago at kaming magkakapatid ung naiwan sa kabilang bahay. At ung last hakot na namin syempre kasama na kaming lahat,but the moment na pumasok ako dun sa bahay, nakita ko na kaagad na may nagbigte dun sa bahay na yon before. Matagal na naming bahay yon pero dahil nga may isa pa kaming bahay walang tumira dito (new house). So un na nga, nakita ko na agad na may nakabigte dun pero di ko sanabi sa family ko dahil nga baka matakot sila pero before my cousin and I sleep that night, sinabi ko kagad sa kanya pero di sya naniwala. The next day, one of our neighbor siad na may nagbigte nga daw doon noon nung wala pang nakatira doon at saka lang naniwala sakin ung pinsan ko.

ff. So bilang panggabi ako sa umaga tulog ako at 5 pa lang ng hapon eh nag gagayak na ako dahil 3hours pa ang byahe ko. Every time nga na maliligo ako, may nakikita akong itim na shadow sa pintuan ng bahay namin. Parang palagi nyang inaantay na maliligo ako. So ito na nga, ung pinsan ko eh nanganak na nung January tapos ung baby nya di maiwan sa kwarto kahit tulog kc nga kapag walang bantay magigising agad sya ng sobrang iyak. para bang pinalo o sinaktan. Sinabihan ko kagad sya na wag iiwan don ung anak nya kc may something na gumagalaw nga dun sa baby nya.

ff. April kasal ng ate ko at bakasyon. After kasal, umuwi ung pinsan ko sa probinsya . Bale tatlo na nalang kami ng mama ko papa ko at ako dun sa bahay. Dahil nga bakasyon, sumunod din mama ko dun. Edi dalawa na lang kami. Then restday ko nun. Gabi, tulog ako sa kwarto ko at ung papa ko naman nanonood pa sa sala. Mayaya may narinig akong nag uusap galing dun sa kwarto ng ate ko noon na bakante na ngayon. ang sabi nung boses ng babae" dapat kasi unajon na natin ung babae kesa dun sa lalake eh." sa takot ko naman na baka may magnanakaw na nakapasok samin, tumayo ako ng dahan dahan hawak ung stun gun ko at sumilip sa kwarto ni ate only to find out na walang tao. dinilip ko na din ung papa ko at gising noon at nanonood pa din. Ako naman back to sleep. Maya maya narinig ko ung boses ng care taker namin na tinitawag ako " Luci luci! buksan mo ung gate andito si mama mo" . Ako naman to si gaga bangon agad at kinuha ko ung susi to my surprise gising pa din ung papa ko pero parang wala syang narinig. Syempre silip nama ako sa labas. Nung maconfirm ko na wala naman back to sleep na naman ako. Maya maya narinig ko ung boses ni mama "Luci Buksan mo ung gate ang dami kong dala! dali" syempre sa taranta ko at galing probinsya si mama hanap ko agad ung susi ko tapos paglabas ko na naman tulov na yung papa ko sa sala kakanood ng tv at binuksan ko ung pinto pero wala naman si mama kaya tulog ulit na naman ako. sa pagkakataong iyon naaasar na talaga ako. Halatang pinaglalaruan na nila ako. Maya Maya po nagising na lang ako sa isang sigaw sa tenga ko. Dun ako napikon at Minura ko sila at nagdasal. ginisi g ko nun ung papa ko at tumabi sa kanya sa pagtulog.

Simula noon naging lasinggero na papa ako. Kung ano ano na ang sinasabi nya at nagbabanta na magpapakamatay at papatayin kami. Sempre sa takot ko para samin ni mama dahil dalawa na lang kami dun at sya lang mag isa dun sa gabi napilitan akong magresign sa trabaho ng humanap ng ibang pang umagang trabaho. pero ung papa ko lumala ng lumala. nadepressed sya ng dahil sa kakaisip ng walang kwentang bagay at paulit ulit na sinasabi na pinahinto na daw nya ang bday nya sa NSO pero may isasama sya. Hindi nga nagtagal at nagbigti ang papa ko. Walang clue o senyales bigla na lang syang nakita ng kapitbahay namin na nagbigti. Siguro nga ito na ung snasabi nung kaluluwa na "dapat unahin ung babae kesa ung lalake" kinakabahan ako para sa mama ko dahil may operation sya at baka may mangyaring masama. at ung itim na anino, hindi ko na sya makita ngayon pero alam kong andito pa rin sya. Sa pagkakataong ito lalabanan ko na sya. Di na Pwedeng kukunin nya pa si mama. nagpapatugtog ako ng Christian songs palagi at tuwing ginagawa ko un, nagsusuka ako at sumasakit ang ulo ko. Hindi nya gusto ang ginagawa ko pero matira matibay saming dalawa. Ako, pwede akong kumain kapag nagsuka ako at matulog kapav pinapasakit nya ulo ko pero sya No choice sya kundi umalis. Sa inis nya sinira nya ung laptop ko kung saan ako nagpapatugtog but never give up to may speaker ako at phone. haha! Humingi na rin ako ng holy water sa simbahan at binabasbas ko un paminsan minsan. Nung nakaraan nga nag wisik ung pinsan ko ng holy water dito pinasakit na ung ulo tapos ung tita ko naman nagdasal lang binati nya. Alam ko magiging madugong laban to pero with God and for my family gagawin ko lahat.

sana nasiyahan po kayo.

Kilabot Secret filesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon