Maria Labo

534 7 1
                                    


Dito sa aming probinsya ay may isang kwentong matanda ang kinalakihan na ng mga kabataan. Isang kwentong panakot ng matatanda sa mga makukulit at pasaway na mga bata.

Bata pa lang ako noon ng minsan ay ikwento ito ng lola ko sakin, ito ay ang kwento ni maria labo.

Magpasa hanggang ngayon naririnig ko pa rin ang pangalang ito sa mga matatanda. Yung sasabihin sa mga bata na "kakainin sila ni maria labo, kung hindi sila titigil sa pagiging pasaway. ". Nakakatawa man na isipin na ito ay isang gawa gawa lamang na kwento, pero totoong nakakatakot ito. Hindi lang sa mga bata pati na rin sa mga matatanda... Okay, ito na sisimulan ko na ang kwento..

Sa isang baryo may isang dalaga ang nagngangalang maria, siya ay marikit,masipag at mabait... Maraming mga kalalakihan ang sa kanya ay nagkakagusto kung kaya't marami ang manliligaw niya..

Ngunit iisa lamang ang tinitibok ng puso ni Maria, ito ay si Pedro. Isang masipag at gwapong lalaki doon sa kanilang baryo... Silang dalawa ay nagkaibigan, ngunit tutol ang mga magulang ni maria kay pedro kaya naisipan ni pedro at maria na magtanan at magpakalayo layo...

Nagsama ang dalawa sa iisang bubong at nagbunga ang kanilang pag iibigan ng dalawang anak.. Masaya silang namumuhay,kahit mahirap lang sila. Ngunit nang magkasakit si Pedro at hindi na nakapaghanapbuhay ay naisipan ni Maria na magtrabaho sa Manila.

Ngunit mas mahirap pa ang dadanasin ni maria pagkapunta sa manila, dahil puno ng pasakit ang sa kaniya ay ipinadanas ng kanyang amo. Pero tiniis niya lahat para sa kaniyang pamilya. Hanggang sa isang araw ay may nagpadala ng liham sa kanya mula sa kanyang kapitbahay noon sa probinsya, ayon sa sulat ay may iba na daw na kinakasama si Pedro. Sumapit si maria sa depresyon at umuwi si Maria sa Probinsya. Sinalubong siya ng kanyang asawa at mga anak ng maiinit na yakap pero si Maria ay hindi nagyakap pabalik at nakatulala lang. Itinago na lamang ni Maria ang kanyang nalalaman tungkol sa kaniyang asawa... Ilang gabi ng hindi nakakatulog si maria dahil napapanaginipan niya ang mga karahasan na dinanas niya mula sa kanyan amo... Kung minsan naman ay nagigising siya sa gitna ng gabi at nakikitang wala ang asawa niya sa tabi niya... At minsan naman ay nasasaktan na niya ang mga anak niya sa tuwing nag aaway ito sa mga laruan, na parang naiirita siya kapag nadirinig ang iyak ng mga anak.

Isang gabi ng muling magising si Maria, ay nakita niya na mahimbing na natutulog ang kanyang anak at asawa. Tumayo si Maria mula sa pagkakahiga. Maya maya pa ay may parang bumubulong sa kanyang lalaki, na nasa loob ng kanyang isipan. Pumunta si Maria sa kusina na parang balisa, kinuha niya ang kutsilyo at sinaksak ang kanyang asawa at dalawang anak..

Simula ng nangyari ay bawat batang umiiyak na marinig niya sa kanilang lugar ay pinapatay niya ang mga ito at tinatakot. Halos gabi gabi sa kanilang lugar ay may natatagpuang bangkay ng mga bata na nagkakalasuglasog ang mga katawan,may malaking hiwa sa tiyan at nagkakalat na mga laman loob ngunit nawawala ang mga puso nito.

Nangamba ang mga tao sa lugar at tanging si maria lamang ang hinihinalaang may kagagawan nito, Nang minsan ay nahuli nila si maria na nag anyo sa isang malaking aso. Hinampas ng itak ng isang lalaki ang aso at bigla itong nag anyong tao at nawala na parang bula sa isang kisap mata. Simula noon ay hindi na muli pang nagpakita si maria at tanging kapag may naririnig lang siyang iyak ng bata ito nagpaparamdam at kapag kabilugan ng buwan.



AUTHOR:

actually may ibat-ibang story talaga about kay Maria Labo 
Ibat ibanf version.

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon