So here it is naranasan mo na bang matakasan ang nakaambang kamatayan mo cause I think I did.
First Year College ako nun and I was residing at a dormitory alam naman natin na maraming kababalaghan sa dormitory pero mas affordable naman.
May 15 , 2017 at exactly 3:15 AM nagising ako dahil naiihi ako pagmulat ko na bukas pa yung ilaw so bumababa ako sa bed dahil nasa upper bed ako at lumabas nang room namin . May mangilan- ngilan pang gising sa oras na yun at nakita ko na gising pa ang isang roommate ko so nag pasama ako sa kanya sa CR . I was holding her arms nang lakad kami sa hallway papuntang CR sa kalagitnaan nang hallway narinig namin ang isang malakas na kalabog at pagkabasag nang mga salamin dahil sa lakas nito nagising halos lahat nang occupants sa dormitory. Pagkatapos ng malakas na pagsabog I feel something strange parang ang hirap nang huminga I was trying my best to catch up my breath naglakad ako papuntang terrace para lumanghap nang hangin at parang feeling ko ang hina ko sinundan ako nang roommate ko . Pinapawisan ako nang malamig then after nun napaupo ako sa floor dahil di ko talaga kaya then my roommate shouted tinuro niya yung right wrist ko but before I check it everything went black. Nagising ako sa isang hospital my Uncle was there on my side. Nung nakita niya akong nagising na tinawag niya ang doctor nung nag salita na ang doctor I was shock kasi sabi niya kung may pinag dadaanan ba daw ako kasi ang paglalaslas ay di daw solusyon. Sabi ko naman di namn po ako naglaslas but nakita ko yung bandage sa right wrist ko. Iniisip ko talaga kung bakit ako nag kasugat doon sa wrist ko naisip ko na baka bubog yun sa nabasag na salamin na narinig naming nabasag nung gabing yun. Kinabukasan bumisita ang mga roommates ko then nag kwento sila about that night then they were ammused dahil pagkatapos daw i check lahat nang rooms wala naman daw nabasag na salamin something na babasagin. Tapos nag taka din sila kung saan ko nakuha ang sugat ko dahil wala ngang nakitang basag na salamin o kahit na anong babasagin. A day after nung bumisita ang mga roommates ko bumalik na ako sa dorm para kunin ang mga gamit ko kasi uuwi na ako sa amin nang lumapit ang isang kong roommate at may pinakita siya sa aking picture . Nagulantang ako sa pinakita niyang picture dahil wala akong ulo. Sabi din niya na yun din ang dahilan kung bakit niya sinunog yung shirt na sout ko doon sa picture dahil yun daw ang makakaputol sa sumpa.Hanggang ngayon palaisipan parin kung bakit ko nakuha yung sugat. Dahil ba yun sa pagputol nang sumpa? Kung bakit ako buhay pa ngayon?.
Rhaine Alexandria
Leyte
BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Contobased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2
