Mahilig kami ng asawa ko mag out of town un kc bonding namin nung hindi pa ako buntis. Luzon to mindanao napuntahan na namin. Nakapag check in na kami sa mga ibat ibang hotel. Pero sa bataan lang kami nakaramdam ng hindi maganda at nakakatakot.
Napag usapan namin na mamasyal sa bataan 1st time namin pareho makaka punta dun. Galing kami laguna. Bumiyahe kami bataan mga hapon na kami umalis dito sa laguna kc inintay ko pa mag out ang asawa ko sa trabaho. Bago kami umalis sinabihan ako ng lola ko mag iingat pag andun na dahil dun nangyari ang death march. Binigyan ako lola ko ng langis na pag may lumalapit raw sa akin na espirito or engkanto kukulo raw un. Nilagay ko siya sa bag ko. May 3rd eye ako. Kaya malakas pakiramdam ko pag may nagpaparamdam sa akin..
1st time namin mag asawa naka punta ng bataan. Dumating kami dun 2am ng madaling araw. Dahil hindi namin alam san hotel kami pupunta nag search kami sa internet. Dun sa nakita namin sa internet ok naman ung hotel sa picture,pati kwarto mukhang bago.kahit medyo mahal go na kami kasi antok na kami 2.
Pagdating namin dun sa hotel nagulat kami ibang iba ung itsura niya sa picture. Lumang building siya na nirenovate lang. Madilim cya. Ayaw ko na sana tumuloy kaso hindi na rin kaya namin ang antok. Pumasok na kami at nag check in.
Tinulungan kami ng staff ng hotel para mga gamit namin iakyat. Paglabas namin ng elevator papunta sa kwarto, kinausap ng asawa ko ung staff san pwede mag yosi. Sabi nung staff meron raw dun sa taas ng hotel kaso gabi na pinagbabawalan nila pumunta mga guest dun. Sabi nung staff sa baba nalang raw mag yosi. Tinatamad naman ang asawa ko bumaba, sabi niya sa staff dun nalang siya sa taas ok lang kahit madilim. Hindi kasi matatakutin ang asawa ko,hindi kc siya naniniwala sa mga engkanto or mga kaluluwa gumagala. Ako iniwan nya mag isa sa kwarto dahil pagod na rin ako,lumabas na siya ng kwarto at ako naman humiga na. Wala pang ilang minuto ung cabinet may nagalaw sa loob, dinedma ko lang inisip ko nalang baka may daga sa loob ng cabinet.
Pero maya maya may kumakatok sa loob ng cabinet. Sa takot ko nilabas ko ung langis na pinadala ng lola ko. Pag kuha ko sa langis kumukulo siya. Takot na takot ako, itxt ko sana asawa ko na bumalik na sa kwarto,pero bago ko isend kumatok na siya sa kwarto. Pag pasok niya kwarto putlang putla siya na pinagpapawisan. Kwento niya hindi na niya naubos ung sigarilyo,may nagparamdam na raw sa kanya,pag akyat pa lang raw niya sa taas ng hotel sobrang dilim at kakaiba ang ambiance para may nakatingin sa kanya. Ako naman kwento ko ung sa cabinet na may nakatok,binuksan niya cabinet wala naman laman na gamit. Para hindi ako matakot sabi niya baka raw sa kabilang kwarto lang un. Tinawagan nya ung receptionist at tinanong may tao sa kabilang kwarto sabi ng receptionist wala raw tao dun. 3am na at matutulog na ako biglang may nakita ako anino sa rest room. (Bale ang design ng room ng hotel magkatabi ang kama at rest room. Ang katapat ng rest room ay ung cabinet) pag may liwanag na nang gagaling sa rest room maaninag dun sa cabinet.
Balik na tayo sa kwento ko po. Sabi ko sa asawa ko pakisaraduhan ung pinto ng rest room, tanong siya ng tanong kung bakit pero hindi ko sinasabi may nakikita ako anino. Kala ko pagsarado niya ng pinto mawawala na ung anino. Laking gulat ko andun pa rin ang anino matangkad cya na lalake galaw ng galaw siya sa anino niya. Nagtalukbong ako ng kumot, pagtangal ko ng kumot laking gulat ko sumilip siya sa amin ng asawa ko. Amerikano siya mestiso,matangkad, blonde ang buhok naka uniform siya. Pumikit ako at nagdasal. Hindi ko na binuksan ang mata ko sa takot. Nagising kami ng asawa ko 9:30 para mag breakfast sa baba. Dun ko kwento sa kanya lahat lahat at naniniwala siya may kakaiba sa hotel na un. Bago kami umalis ung staff tinanong ng asawa ko,umamin naman siya na kahit sila may iba naramdaman dito. Ung building na luma un sabi dati raw opisina ng mga amerikano panahon ng hapon. Kaya hindi na kami nagtagal dun naghanap na lang kami ng bago hotel sa bataan.
BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Historia Cortabased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2
