by: Leaves
hi readers tawagin niyo nalang akong leaves nangyari ito 3years ago
di ko siya makakalimutan dahil ito talaga ang PINAKA NAKAKATAKOT na nangyari saakin
Pagabi na nun galing ako sa duty ko sa ospital pagdating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto para makapagpahinga. Naabutan ko yung kapatid ko na nakahiga
pagkatapos ko fresh and up tumabi na rin ako sa kanya, pinikit ko yung mata ko, at ilang mga minuto ang lumipas ay nagpaalam na yung kapatid ko na lumabaskaya naiwan ako magisa sa kwarto atnakapatay ang ilaw
Hindi pa nag tagal ay may naramdaman ako na tumabi saakin, di ko pinansin dahil yung kapatid ko lang ulit
pero ang pinagtataka ko ay di ko narinig na bumukas ang pintuan namin ,at ilan beses ko na siya tinatawag wala naman akong naririnig na reply o sagot galing sa kanya kaya pagalit ako sumigaw
Ano ba kanina pa kita tinatawag ah!
at ang kasabay nun ay ang pagharap ko sa kanya
Sa di inaasahang pagharap ko isang nanlilisik na mata ang tumambad saakin
kung di ako nagkakamali isang lalaki na nakabarong ang nakita ko
Nagkatitigan kami na halos di ko maigalaw ang katawan ko, kahit ang mata ko di ko maialis sa kanya
takot na takot ako nang panahon na iyon
Pumikit ako nang ilang segundo pero pagdilat ko nandun padin siya at patuloy na nakatingin saakin
dahil di ko maigalaw ang katawan ko, pinilit ko sumigaw na halos maiyak na ko para tawagin ang kapatid ko
Pero dahil walang tao ang pumasok sa kwarto ko ay buong pwersa ako gumalaw at tumalikod
takot na takot po ako nung panahon na yun
kaya huminga ako huminga nang malalim at patakbong lumabas ng kwarto at hinanap ang mga tao sa bahay pero wala sila doon
kaya lumabas ako ng bahay at nagiiiyak na
Nakita ko ang momy ko at kapatid ko na nakikipagkwentuhan sa bahay namin
Agad kong sila tinanong kung pumasok sila ng kwarto o pinagtitripan nila ako
parang pampalubag loob ko ito, marinig ko lang sila sumagot ng OO ayos na ako
pero hindi eh, bakit naman daw sila papasok ng kwarto ko eh alam naman nila nagpapahinga ako
Tinanong ko yung kapatid ko ang sabi niya di daw siya bumalik ng kwarto dahil tinawag siya ni momy
di ko na mapigilan at sinabi ko na may nakita at nakatabi akong multo nakakatakot ang itsura niya
sa mga ganitong bagay sanay na sila momy dahil nakakakita talaga ako ng mga multo
pero nung nangyari sakin nang gabing yun ay harap harapan at di niya talaga ako nilubayan
at share ko rin po ito
bago ko po namin tirahan ang bahay na iyon ay nauna po ang mga pinsan at tita tito ko at ang sabi nila sa kwarto ko ay kung saan maraming nagpaparamdam.
Ilang beses na ko pinaramdaman dun pero duon lang talaga ako naduwag
yun lang po salamat

BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Historia Cortabased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2