Nung mga nakaraang week super tambak kami ng schoolworks kaya nung dumating yung week na medyo maluwag yung sched, napagdesisyunan namin ng barkada ko na magwalwal muna, stress reliever ba. Edi balak namin pumunta sa bahay ng tropa ko somewhere sa Rizal at dun maginuman. Kaming lima ay manggagaling sa Manila at sabay sabay na pupunta since iisa lang kami ng dorm. 3 kaming nakasakay sa kotse ko tapos yung dalawa nag motor.
Around 11 pm na nun at nakarating na kami sa part na parang zigzag, onti nalang din yung dumadaang sasakyan, ang weird kasi nakaramdam ako ng parang kakaibang feeling na that time ko lang naramdaman. By the way, nauuna kami sa naka motor kasi dumaan pa sila sa gasoline station. Medyo binagalan ko yung takbo para magpang abot kami "Pre, ang tagal naman ng dalawa, baka naligaw na yun". Tinuloy ko lang yung pag mamaneho at nung nasa may bandang gitna na kami ng zigzag lalo kaming nangilabot sa nakita namen, bigla kaming may nadaanan na motor na sumadsad sa may riprap sa gilid ng bangin. May dalawang rider na nasa may edge na mismo nung bangin. "Tangina pre nakita nyo rin diba? Gago balikan naten" sabi ng isa kong kaibigan. "Puta ako lang ba nakapansin na yung motor kagaya nung kay ****?" sabi nung isa kong kasama. Kahit natatakot na ako, binalik ko yung sasakyan sa part na yun. Bumaba kaming tatlo at buti medyo maliwanag dah may street light. Halos di kami makagalaw nung nakita namin ng malinaw yung dalawang riders na walang buhay at duguan. Yung dalawa kong barkada na naka motor. Di ko magets pano sila nauna eh kami yung nauuna kanina. Humagulgol na yung isa kong kasama at tatawag na sana ng tulong yung isa kong tropa ng biglang nag ring yung phone ko. "Puta pare, bat ngayon mo lang sinagot? Tangina nyo kinakabahan na kami sa inyo, puta naman" Halos masindak ako ng marinig ko yung boses ng tropa ko na tumatawag sa kabilang linya. Yung driver ng motor! Puta gulong gulo yung utak ko nun pero sinagot ko nalang. "Ano ba pre? tangina nasan ba kayo? Tangina naman nakatayo kami dito sa bangkay nyo gago ano ba to?" sigaw ko sakanya pero mas lalo akong kinilabutan sa sinabi nya. "Puta pre nandito kami sa taas ng zigzag pre, may natatanaw kaming kotse na dumausdos sa bangin natakot kami bumaba kamuka ng sasakyan mo kaya tumawag ako para masiguro na di kayo yun, tangina kinabahan kami" Hindi ko alam pero di pa rin ako mapalagay. Nakikita ko yung bangkay nila dito pero sabi nila nasa taas sila. Galing sa may part ng pinagdausdusan ng motor bumalik kami sa main road at lumingon sa taas para tignan kung nandon nga yung dalawa kong tropa. Puta andun nga sila! Yung katropa ko hawak pa rin yung phone nya ganun din ako, bale nasa taas yung dalawa nakaharap saming tatlo sa may babang part ng zigzag pero tangina, halos mabakla na ako sa takot sa sinabi nya sa tawag habang naiiyak. "Tanginaaaa pre anobato, ayoko na wag kayo mag fri freak out ah. Tanaw na tanaw namin kayo dito, duguan tas walang ulo."
ps. Di kami natuloy sa walwal, bumalik sa manila yung dalawa tas kami dumiretso since nasa babang part na kami. Tangina di namin kakayanin umahon uli sa zigzag sa sobrang takot. Pagdating namin sa bahay ng tropa namin sa Rizal, pinasunog ng lola nya yung damit namin na sinuot, ganun din pinagawa sa dalawa kong tropa na bumalik sa dorm.
BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Короткий рассказbased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2