by: Hendric Villa
Hi po sana mapili mo to gusto ko ikwento ang aking nakakakilabot na karanasan noong ako ay bata siguro mga 2nd year ako noon malapit narin ang magpasko nun nag papractice kasi kami ng sayaw para sa christmas party namin umabot na kami siguro mga 10pm malaking village ang pinagpapratisan namin at madalang nalang ang jeep at trycle na dumadaan sa phase na nandun, phase 6 yun kaya nasa dulo, kaya naglakad nalang kami palabas ng village.
Halos nakalahati nanamin ang village na may dumaan na jeep, pinara namin ang jeep at sumakay kami. Nakita namin ang dati naming kaklase at ang kanyang tatay. Yung kaklase namin na yun ay matagal na nagstop kaya kasama niya ang kanyang tatay sa pagpaparada ng jeep nila.
Nagbayad kami at sinuklian naman kami ng kaklase namin, malamig ang kamay nang kaklase nami pero di ko pinansin
Palabas na ang jeep sa village at kami palang ang naging pasahero nila. Ilang gabi na ang nakalipas kami lagi ang sakay nang jeep nila sa ganoong oras.
Isang gabi bago ang sayaw namin napansn namin na maraming sakay na pasahero ang jeep nang kaklase namin.
Kaya natuwa naman kami inaya kami ng kaklase namin na sumakay, pero di na kami sumakay dahil kulang ang bakante na upuan sa jeep para sa bilang namin na pito.
Umandar na ang jeep at nagpatuloy kami sa paglalakad, napansin namin na may sumusunod saamin.
Syempre tumakbo kami mga kasing takad lang namin ang sumusunod saamin nung gabing iyun, naabutan padin kami ng sumusunod saamin, namukhaan namin ang sumusunod saamin at iyon ay ang kaklase namin at ang kanyang tatay.
Tinanong namin kung bakit nandito sila eh ang alam namin ay bumabyahe sila.
Hindi sila sumasagot kaya minabuti nanamin na tumakbo, nagbiro ang kaklase ko na totoo daw pala ang nightmare before Christmas.
Nagalit kami dahil nagawa niya pa magpatawa sa sobrang kaba namin. Nakalabas na kami ng village at nakasakay na kami ng jeep. Nakauwi na kami sa kanya kanyang mga bahay nag online kami sa facebook dahil sobrang tagal nanamin di nakakaopen simula ng nagsimula kami nagpractice. Nabalitaan namin na kakamatay lang ng kaklase namin, nagulat ako at nakibalita sa mga kagrupo ko.
Nung una ayaw pa nila maniwala pero nagulat din sila. Nakibalita kami at car accident daw ang kinamatay. Inuna muna namin ang Christmas party para sa sayaw namin. Pumunta kami sa lugar kung saan siya nagpakita saamin, di siya nagpakita saamin kahit gabi narin yun.
pinagdasal nalag namin siya.
diyan nagtatapos ang nakakakilabot kong karanasan salamat po sa pagbabasa

BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Short Storybased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2