CHOIR
BY: 09173445---
Nangyari po ito nang nag papractice po kami ng choir namin sa aming school..
Tulad po sa iba niyong story nangyari po ito sa DLSU dito sa dasma cavite..
Kung dun ka nag aral at kung kasali ka sa choir member nito nung batch 2010 panigurado ako na alam mo ang kwentong ito.
Kilala namin si sir blank na naakaita ng mga multo. At alam din ng lahat na may nagpaparamdam daw sa school na ito. Pero saakin wala talaga akong nararamdaman kahit na gabi ako umuuwi at dun ako dumadaan sa mapunong lugar.. makakarelate ka lang pag napasok mo talaga ang school namin.
Saakin walang nag paparamdam hanggang sa nangyari ang bagay na ito...
Nag papractice kami ng song para I celebrate ang b-day ni mama mary. Todo practice po kami nun hanggang sa inabot na po kami ng 10:30 pm
Habang kami ay kumakanta napahinto si sir blank sa pagpapiano at tumingin sa likuran niya, at parang nag iba ang mukha niya, bigla siyang namutla..
Tinanong namin kung ok lang ba siya kung anong nangyari..
Ang sabi niya lang wala.. at patuloy lang kami nag practice habang kami nag papractice.. tinitignan ko si sir blank habang nagpapiano parang di siya talaga mapakali..
Hanggang sa nagpatay sindi ang ilaw.. at nagkatakutan na ang mga boys, dahil dun may narinig kaming isang boses para siyang nag huhumming saglit lang ito at alam na alam namin kung saan nang gagaling ang boses... walang iba kundi sa may c.r kumpleto kaming lahat sa stage kaya dun na lahat tumahimik, ganun din ako napahawak ako ng kamay sa katabi ko..
Pinababa kami ni sir at kinausap..
Sinabi niya saamin na itigil na muna namin ito dahil kahit anong gawin namin di daw namin matatapos ang practice dahil, nangugulo sila..
Walang mag papanic payo ni sir.
Pinalabas na kami ni sir.. at ganun din siya
Nang makalabas na kami tumambay kami sa karinderya lahat kami...
Sabi ni si maami daw sila.. may enkanto,, may multo, nagagambala daw natin sila dahil narin siguro sa theme ng song.. ayaw siguro nila yun..
Humini si sir ng asin sa karinderya at pinapila kami
Nilagyan niya ang mga ulo kamay at mga paa namin ng asin dahil daw maari daw na sumunod sila. Lalo na sa kasama namin nanagustuhan daw ng isang enkanto..
Simula po nun tuwing umaga na po kami ng papractice.. at yun narin po ang nakakatakot na aking naranasan sana po ay magustuhan niyo ang TRUE horror story ko salamat..

BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Cerita Pendekbased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2