Paa ni Lola

210 2 0
                                        

Nangyari ito nung tatlong araw matapos ang libing ng lola, may mga pamahiin kasi sa probinsya na kailangan walang tao sa bahay kapag ikatlong araw. Tanghali hanggang alas tres pagkatapos ng libing dahil babalik daw ang kaluluwa para umikot sa lugar. At kung sino daw ang makasalubong ay makukuha ang sakit nito bago mamatay. Dahil ang daming sakit ni lola bago mamatay natakot kami lahat at napagpasyahan na iwan ang bahay ng tanghali at bumalik na lang ng hapon. Bago kami umalis iniwanan namin ng abo ng kahoy ang pintuan sa kusina at harap ng bahay at sa pinto sa likuran ng kusina. Sinarado lahat ng pinto at naiwan ang kaibigan ng pamilya sa bahay ng tita ko (Halos katabi yung bahay ni tita kay lola). Pumunta kami sa isa pang kaibigan ni tita papuntang bundok at duon nagpalipas ng oras.

Nung umuwi na kami bandang alas kwatro sabay sabay kami pumasok at chineck yung abo. Sa pintuan sa harap papunta sa sala ay nandun pa din ang abo at di nagalaw. Sa harap ng kusina ay ganoon din pero nung nakarating kami sa loob ng kusina ay may bakas ng abo na hugis paa (Yung limang daliri na parang nakatip toe at yung sakong lang) na galing sa likod ng kusina at papunta sa kapehan na laging pinupuntahan ni lola sa kusina nung buhay pa siya. At wala ng bakas na lumabas ang paa at nakalock pa ang pinto. Tinanong namin ang naiwan sa bahay ni tita dahil baka siya ang pumasok pero hindi daw siya umalis sa bahay ni tita dahil madami pa siyang ginagawa

PS. Lagi nagtitimpla si lola ng kape para kay lolo bago pumanaw ang lolo ko at sumunod siya.

Kilabot Secret filesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon