Kandila

1.3K 20 0
                                        

by: 0921-----7


share ko lang po ang pang yayaring ito.. nakatira po kami sa bukid.. dito sa cavite

Magsasaka po ang nanay at tatay ko at pumapasada naman po ako ng trycle dito sa malapit na bayan saamin kaya minsan ay gabi na ako umuuwi.. 

Isang gabi po matapos ko po maihatid ang trycle ko sa operator ko ay nagsimula na akong maglakad saamin pauwi sa bukid

habang naglalakad ako sa tuyong pilapil ay may humawk sa likuran ko at tinutukan ako ng matalim na bagay..

Hinohold up ako... takot na takot ako sa pangyayaring yun nang ilalabas ko sana ang pera ko

ay may nakita kaming lumulutang na kandila.. hindi na mamatay ang kandila kahit malakas ang hangin sa sobrang takot ay tumakbo ang holdaper at tinulak ako kaya natalisod ako at di makatayo.. sisigaw na dapat ako nang nakita ko ang may hawak ng kandila..

May itsura o gwapo ito naka puti ito na parang studyante..

ayos lang po ba kayo?

tanong ng lalake..

inalalayan niya akong tumayo at sinabihan na mag ingat daw ako baka mangyayari nanaman yun..

Laking pasasalamat ko sa batang yun ang pangalan niya daw ay Japoy.


Nang makauwi na ako.. at nakapagpahinga

nakwento ko sa kapit bahay namin ang pangyayari..

nagulat siya sa kwento ko


japoy? yung may kandila? naku patay na yun.. nagala o lumlabas lang yun pag malapit lang daw yung pumatay dun. kawawa nga yung bata yun eh..


halong halong emoson ang naramdaman ko takot, lungkot at pasasalamat

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon