REUNION

6.2K 86 6
                                    

by:  Mark Cristobal


Tuwing pasko,bagong taon,birthday ng kamaganak, undas o ano man okasyon ay nagkakaroon kayo ng reunion sa inyong pamilya tama ba? Nais ko po ibahagi ang kwentong ito nang nagkaroon kami ng reunion ng kamaganak namin sa bacoor sa cavite.taong 2013subdiv o brgy sa Mambog sa kanilang lugar ay napakatahimik, maraming puno ng langka,mangga,at Kamansi(hindi kalamansi) ang mga bahay dito ay ay hiwalay hiwalay para bang salit salit bahay-punu-bahay-puno ganun ang ayos  ng lugar sa kanila. yung bahay ng tita tito ko ay medyo malaki laki rin meron itong 3 palapag pero ang katabi ng kanilang bahay kaliwa't kanan ay mapunong lugar. Dahil b day nang aming lola ay nag dinner kami sa bahay nila. matapos ng handaan, kasiyahan ay nagsiuwian na ang iba namin kamag anak ganun din ang pamilya ko, nag decide ako na magstay. 10pm ng gabi ay dun ako natulog sasala humiga ako sa sofa. Dahil nanuod din kami ng horror na ang title ay pet cemetary , dahil medyo sariwa pa saakin ang napaniod ko ay di ako makaihi ng cr hahaha. nagtalukbong pa ako ng kumot at iniisip pa din ang nakakatakot na napanuod namin,hanggan sa isang sandali ay nakikita ko sa aking kumot dahil manipis lang ito ang matanda na nakaupo sa kabilang sofa. pinagmamasdan ko ito dahil alam kong wala kaming kasamang matandang lalake sa bahay at nagsimula na akong matakot

nakita ko ang damit nito, nakakulay puti ito na sando at blue shorts. Nakaupo lang ito at nakatingin sa mga litratonila tita. Lumingon ito saakin at kitang kita ko ang mukha niya. Siya ang namayapa kong lolo 1 taon nang nakalipas

tumingin ito saakin at ngumiti at binangit ang pangalan ko mac mac, dad-on ko lola mo ah

at bigla nalang ito nawala, natakot ako dahil nakita ko ang kaluluwa ni lolo at isa pa may salita siyang iniwan saakin na di ko maintindihan, ang pagkakaintindi ko dito ay ingatan ko si lola. Sinabi ko nalang sa isip ko opo lolo iingatan at mamahalin ko si lola

kinabukasan ay sama sama kaming nagalmusal nasabi ko ang nakita ko sa kanila naniwala naman sila dahil si lola ay madalas daw makita si lolo pero ang nalaman ko sa salitang iniwan ni lolo ay hindi pala ingatan ko si lola kundi

mac mac, dad-on ko lola mo ah -  mac mac kunin ko na si lola mo ah

yun pala ang ibig sabihin ng salitang iyon

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon