9 years ago, namatay ang isang tiyahin ko dahil sa lung cancer. Napakabait niya sa amin, kaya di na ako nagtataka kung bakit iyak ako ng iyak nung namatay siya. Habang tumagal, natutunan ko na tanggapin na patay na siya. Then, this time, June 2017.. may hindi inaasahang nangyari. Naglilinis ng cabinet ang isa kong tiyahin (Kapatid ni Tita na namatay na) nang biglang nagulantang siya sa kanyang nakita. Isang white dress, napakalinis niyang tignan na parang bagong bili lang sa isang dress shop. Pero hindi yun ang ikinatakot niya. 9 years ago, bago ilibing ang tiyahin ko ay may konting marka ng lipstick sa burial dress niya sa may bandang kaliwang bahagi ng dress sa may bandang leeg.Tandang-tanda iyon ng isa kong tiyahin dahil siya mismo ang nagmake-up sa kanya noong ibuburol pa lang ito at hindi na niya nalinis yung naiwang marka ng lipstick.
Ako ang unang tinawagan ng tiyahin ko nung mangyari ang insidenteng iyon dahil sa aming mga pamangkin niya, ako ang nakakakita at may experience na sa mga paranormal at supernatural occurrences. Pero bago mangyari ang paglitaw ng burial dress, napapanaginipan ko na ang tiyahin kong pumanaw na umiiyak sa akin. Sa kasamaang palad, di ko maintindihan ang mga sinabi niya sa akin dahil may ibang bumubulong sa panaginip ko. Wala talaga akong naintindihan. Noong nalaman ko ang nangyari, agad kong sinabi na sunugin yung dress. Pero after 2 days, nandoon ulit ang dress na parang walang nangyari. Nagpatawag kami ng pari at dinasalan ang dress para sa ikatatahimik ng kaluluwa niya at sinunog, pero kinabukasan ay naroon ulit ang dress. Hindi namin ang alam ang gagawin dahil hindi namin alam kung ano ang gustong ipahiwatig ng tiyahin ko. All this 9 years of her death ay ngayon lamang siya nagpaparamdam sa amin.
P.S. The burial dress is still in the closet in my aunt's home. I would like to send a picture of the dress, pero mas mabuti siguro na huwag na lang for our privacy issues. Nasa inyo na kung maniniwala kayo or hindi. Iyon lamang, at maraming salamat.
BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Nouvellesbased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2