Underground Church

368 11 5
                                    


So here's my story, isa akong Catholic. Puro Roman Catholic both sides ng parents ko. Though maka Diyos naman kami and we do believe in God pero ako hindi talaga ako palasimba. Ang reason ko kasi pupunta ka sa simbahan tapos paglabas mo gagawa ka lang din naman ng mali, anong sense di ba? So ako kahit bihira magsimba nagdadasal pa rin naman ako gabi-gabi at nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang natatanggap ko.

Hanggang sa nangyari to isang araw on August 6 ngayong taon lang. Nag aaral ako sa college and I'm on my 3rd school year na. Nakilala ko itong blockmate ko na si Edward. AB-English ang course ko at sya naman HRM. Medyo joker at mapang asar tong si edward kaya mabilis kaming naging magkaibigan dahil walang araw na hindi ka tatawa pag kasama mo sya. Nagkaroon sya ng nickname sa amin na "Teng" hindi ko alam kung pano nabuo yon pero basta one day parang nasanay na lang kami na teng na ang tawag namin sa kanya. Then isang araw after ng class namin ng 5:30PM nagyaya syang pumunta sa condo nya, magmeryenda daw kami. Mahilig kasi yun mag luto luto kaya HRM ang kinuhang course.

So ayun nagmeryenda kami, nagkwentuhan hanggang napunta ang usapan about sa religion and beliefs. So nalaman kong itong si Edward/Teng ay isa palang Atheist, hindi sya naniniwalang may Diyos. So bilang respeto sa paniniwala nya hindi ko na iyon kinuwestyon. Pero nagulantang ako bigla nang sabihin nyang "Pero naniniwala ako sa Diablo" so sabi ko papano mo naman nasabi yon? Ang sagot nya sakin, dahil nakakita na ako ng isa. Medyo tumayo na ang balahibo ko non sa mga sinasabi nya at pagtingin ko sa bintana ng condo nya gabi na pala, around 8:45PM. Hindi ko namalayan. Masyado yatang napasarap ang pagmeryenda at kwentuhan namin.

Umuupa ako ng room at may sarili akong susi so hindi naman masyado big deal kung gabihin ako ng uwi kaya nagstay ako sa condo ni Teng. Balik tayo sa convo namin ni Teng. Sa takot ko dinaan ko na lang sa biro. Sabi ko ako ba? Haha grabe ka ganun ba ko kapanget para ikumpara mo sa Diablo? Sabi ko. Ngunit sagot nya sa akin hindi. "Gusto mo makakita? Sumama ka sa akin mamayang alas dose ng gabi. May pupuntahan tayo". Medyo kinakabahan na ako at natatakot dahil unang beses kong nakitang ganun kaseryoso si Teng. So kahit natatakot nacurious ako at medyo may hilig din ako sa adventure and mystery kaya pumayag ako. Nanuod muna kami ng TV habang inaantay mag alas dose. Nakatulog ako sa sofa at pag gising ko 11:30 na. Sabi sakin ni Teng "Tara para maabutan natin ang simula".

So sumama ako sa kanya. Naglakad kami ng medyo malayo hanggang makarating kami sa isang lugar na open field. Walang ilaw. Tanging flash light lamang na dala namin ang pang ilaw. Pinahawak sakin ni Teng ang flashlight at ilawan ko daw sya. May inaangat sya mula sa lupa na para bang passage. Pagbukas tila hagdanan ito pababa sa ilalim ng lupa. Nung mga oras na yon ang tanging nasa isip ko na lang ay totoo ba to? Parang sa mga pelikula ko lang napapanood tong ganitong mga secret passage pero nanatiling tahimik ako. Habang bumababa kami sa hagdanan na iyon tanging mga kandila lamang na nakadikit sa pader ang nagsisilbing liwanag sa dinadaanan namin.

Pagdating namin sa pinakadulo may isang gate na kulay pula ang pintura at may nakasulat na mga arabic at may simbolo ng parang kay starmie ang design. Kung nanunuod kayo ng pokemon magegets nyo yung sinasabi ko. So ayun pumasok kami. Pagpasok namin na loob para syang simbahan, maraming upuan pero ang hugis patatsulok. Sa gilid kami pumwesto at sabi sakin ni Teng "Magmatyag ka lang". Maraming nagsidatingan na mga tao, mga pormal ang suot ng iba, parang galing opisina. May mga studyante, may mga nakapambahay lang. Ibat ibang uri ng mga indibidwal. Ngunit ang napansin ko puro kandila lamang ang nagbibigay ilaw sa silid na iyon. Hanggang may isang lalaking tumayo sa harap ng kwartong patatsulok ang hugis at nagsuot ng parang sinusuot ng mga arabo na kulay pula.

Nagsimula itong magsalita at parang nagmimisa ngunit sa hindi maintindihang lenggwahe. Matapos ay tila parang nagritual ito at sa maniwala kayo o hindi. Sabihin nyo na gusto nyong sabihin sa akin, sinungaling o kung ano pa man. Pero nag iba talaga ng itsura yung lalaking nasa harap. Kahit nasa gilid kami at pinakalikod, kitang kita ko kung pano nagbago at naging mukhang diablo yung lalaki pagkatapos ng ritual. Ramdam na ni Teng ang takot ko ngunit sabi nya wag daw ako tatakbo o sisigaw kundi pareho kaming mamamatay. Pagkatapos magpalit anyo ng lalaki at naging diablo nagsalita ito ng hindi maintindihan dahil malaki at gasgas ang boses. Pagkatapos non ay bumalik ito sa dating anyo at nagsitayo ang mga taong naroroon at isa isang ng umakyat sa hagdanan paitaas palabas ng lupa na para bang tila tapos na.

Sumabay kami ni Teng ngunit tahimik lamang kami hanggang makauwi kami sa condo nya. Tinanong ko sya kahit sobrang takot ko sa nasaksihan ko. "Teng satanismo ka ba? Simbahan ba yon ng mga satanismo?" Sagot nya sakin "Hindi. Natuklasan ko lang ang lugar na iyon matagal na. Nagpupunta ako doon upang malaman kung anong misteryo ang tinatago sa lugar na yon. Bihira lang ang nakakaalam sa lagusang iyon at wag kang magkakamaling ipagsabi iyon sa iba dahil kaluluwa mo ang magiging kapalit". Simula non lumayo ang loob ko kay Teng ,hindi ko na sya kinausap kahit kailan. At pagtapos lang ng sem na to ay lilipat na ako ng ibang eskwelahan, hindi ko kayang makisalamuha sa taong alagad ng diablo. At malakas ang kutob kong satanismo si Teng kaya hindi sya naniniwala sa Diyos.

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon