Natanggap akong baby sitter somewhere in South (CALABARZON). Yung mga naging amo ko may private pool kaya famous sila. Syempre araw ng alis ko, paalamanan. Hanggang sa nasa bus na ko papunta dun sa bago kong trabaho. By lunch time na ko nakasakay. May traffic kaya madilim na, nasa daan pa rin ako. Hanggang sa wakas lumiko na kami sa Robinsons para makapasok sa isa sa mga village dun.
Madilim ang daan kung san kami ibinaba ng bus. Kanya kanya na kaming sakay ng tricycle. Pero yung sinakyan ko puro kasabay ko sa bus kaya at least kampante ako. Sinabi ko yung name ng private pool. Buti alam ni mamang driver. Ibang iba ang daan don. Madilim, madamo, layo layo ang bahay. Tanging headlights lamang ng mga sasakyan ang nakakapagpaliwanag ng paligid. Hanggang sa parang may kaguluhan sa unahan banda sa poste ng ilaw.
Malapit na kami sa poste ng ilaw nang may makita kaming parang mga taong nakahandusay. Tricycle na sira at truck na punong puno ng troso. Duguan ang mga nakahiga. May mamang kumakaway samin na mukhang duguan din. Sumisigaw sya ng tulong kaya huminto ang driver at dinaluhan ang mama. Yung nasa likod ni mamang driver na lalakeng pasahero lumapit din at tatlo silang pumunta sa mga nakahigang tao.
Nakatingin lang kaming 3 babae sa loob ng tricycle. Tinitignan lang namin yung 3 nag uusyoso sa unahan, ako? Ayoko, takot ako sa dugo promise. Kaya di na ko sumubok lumapit dun.
Maya maya nagsimula kong ilibot ang paningin ko sa paligid ng daan. Puro lumang gusali na sira sira ang bintana. Patingin tingin ako nang may mamataan akong tao na parang sumisigaw. May itinuro sya. Nang sundan ko ng tingin nakita ko si mamang driver at kuyang pasahero na tumatakbo papunta samin. May isinisigaw sila. Napalabas ako. Sumunod yung dalawa. Sumesenyas sila, di namin marinig kaya sinalubong namin sila.
Hanggang sa...
""WALANG PRENO! SA LIKOD NYO!""
Paglingon namin nakakita kami ng malaking truck na dire diretso sa tricycle ni mamang driver. Tumakbo kaming lima hanggang sa nagsiksikan kami sa isang maliit na palikong daan. Tinignan namin yung truck. Bukod sa sinira nito ang tricycle bumangga ito sa pader ng lumang gusali kung san may nakita akong sumenyas. Akala ko talaga hindi ko na makikita ulit ang pamilya ko nang gabing yun.
May nakapagreport sa mga pulis na may aksidente sa lugar na yun kung kaya di nagtagal may mga rescuer na dumating. Nung kinukuhanan na kame ng salaysay, hindi ko makakalimutan ang istorya ni kuya at mamang driver.
""Maniwala kayo samin sir! Nakita ko silang apat na pasahero ko! Nakahandusay silang 4 na duguan at ang humingi ng tulong sakin ay ako sir! Maniwala kayo! Nang tumakbo kami pabalik sa tricycle kinilabutan ako kase bakit 4 na ang pasahero ko? E tatlo lang yun sir. Maniwala kayo, anim kaming nagtago sir! At nakadikit yun sa babaeng ito.""
Itinuro nya ako.

BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Cerita Pendekbased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2