Nurse po ako sa isang private hospital sa probinsya and believe me madami akong naeexperience na kakaiba sa hospital namin, actually di lang sa hospital namin. Every time na mapupunta ako sa hospital eh may nararamdamn or nakikita akong kakaiba. For the mean time ito muna.
I can't remember the exact date pero I think mga April 2012.
ER nurse ako, so nalilibot ko ang buong hospital kase naman pag nag admit kame ng patient ideally kailangan mong samahan kahit hanggang nurse station iendorse mo pa rin. Kase sa nurse na nasa station kaya kailangan mo talaga sumama. Straight duty ako nun so 16 hours sa hospital (may ganun talaga kame sched pft!). So from 2 pm hangang 6am na kinabukasan labas ko so pagod na pagod talaga ako that time. May inadmit akong lola mga alas 4 siguro ng hapon, mabait sya at naglalakad ng kanya. Malakas sya, masayahin at mukhang relihiyoso kase may crucifix syang kwintas na gold (sosyal). Nakaschedule kase tanggalin katarata nya sa mata pero dahil nga may edad na kailangan iadmit para maobserbahan. So inadmit ko sya at dinala sa private room nya sa isang nurse station.Fast forward, as usual dinumog kame ng patients, pagod na pagod ang katawang lupa ko. Biruin mo hangang 1 am may patient pa kame kaya nung mga 2:30am nung naging peaceful na ang lahat sabi ko kakain lang ako sa canteen. Pinuntahan ko ung kaibigan ko sa isang nurse station para samahan akong kumain sa canteen. Kase ayaw kong kumain sa pantry namin (ibang story un kung bakit ayaw ko sa pantry namin haha) kase medyo natatakot ako. On my way papunta sa station malayo pa lang nakita ko si lola na iadmit ko naglalakad mag isa. Napatingin ako sa relo ko, 2:45 am na, binati ko at tinanong ko kung san pupunta, tumingin lang sya saken at tinuro yung taas. Nag ok lang ako, may chapel kase ung hospital namin sa taas kaya naisip ko baka magdadasal lang. So pinuntahan ko yung kaibigan ko at kumain kame sa canteen. Pagkatapos namin kumain nabanggit ko sa kanya na nakita ko ung patient na pumunta sa chapel
Me: Yung lola na inendorse ko sa station nyo, madaling araw na nasa labas pa. Nagpaalam ba sa inyo yun?
Friend: Sino dun? Lola?
Me: Nakalimutan ko name eh, basta yung for cataract operation
Friend: Di ko alam eh, night duty lang ako. Baka sa hapon na shift or baka nagtransfer ng kwarto. Wala naman nagpapaalam samen saka madaling araw na. Sino naman matino ang maglilibot ng ganitong oras
Me: Eh basta nakita ko sya papunta yatang chapel
Sumama ako sa station nya. Hinanap ko ung chart nya na nagkataon na malapit sa computer. Sabi ko sa friend ko yun yung patient. Pagbuklat ko ng chart death certificate ang laman. P*ch*, namatay pala si lola around 8:45pm, inatake daw sa puso. Natigilan ako at natulala, tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi ko alam sasabihin ko, nakasalubong at nakakausap ako ng multo. Sinamahan pa ako ng kaibigan ko sa chapel para patunayan na wala akong nakita at walang tao sa chapel. Simula nun nagiging cautious na ako sa nakakasalubong kong tao sa hospital pag madaling araw, baka kase mamaya multo na naman makausap ko.

BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Krótkie Opowiadaniabased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2