Tawagin niyo na lang ako sa pangalang Yeng, 29 years old at nakatira sa North caloocan. Nagsubmit na rin ako ng story dito, at ngayon eh may kakaibang story naman akong i-share, until now medyo di mawaglit ng isip ko kasi, naramdaman ko talaga yung pagtapak ng paa ko sa lugar na iyon sa panaginip ko.
Bale after 4 months ng preparation namin para sa application para sa spouse visa papuntang sa lugar ng hubby ko.. Sobrang nakaka-stress, kasi kailangan ungkatin ang lahat ng simula ng relasyon niyo. 10 years na kami at mabuti na lang eh napaka-maingat ako at lahat sa akin eh may sentimental value pagdating sa relasyon namin. Hindi ako masyadong nahirapan dahil naitago ko lahat yung mga bagay na importante sa relasyon namin since 2007 hanggang sa kasalukuyan.
Ngayon, almost 2 months na mula nung nagpasa kami ng application. Siguro kung wala akong trabaho eh aaraw-arawin ko ang pag-iisip nun, at mainip sa kakaantay ng resulta, excited na kasi ako na makasama ang asawa ko. Pero dahil sa trabaho eh natabunan lahat ng iyon, araw-araw ay napakaraming trabaho, ang laging nasa isip ko, gusto kong tapusin at makarami para lampas quota ang gawa ko, by the way, isa po akong mananahi at sa bahay lang po ako, hinahatid po yung gawa at kinukuha at the same time. Malaking bagay para sakin kasi nakakagawa na ako ng gawain sa bahay at nakakapagtrabaho din at the same time.
Pero nagambala ako nung nakaraang linggo, actually di ito yung unang beses na parang naglalakbay ako sa ibang lugar, minsan nangyayari ito, pero naiisip ko palagi na baka dala ng pagod eh kaya nangyayari iyon.
October 7, 2017, naakakapagod yung araw na iyon, rush ang gawa at kailangan makatapos ako ng 400 pieces sa araw na iyon. Nang matapos ang maghapong trabaho eh i nanlumo ako dahil kaunti lang nagawa ko. So instead ma-frustrate ako,eh maaga na lang ako natulog para maaga ding magising.
Then nanaginip ako na sa ibang lugar ako, nakita ko mga tao na paroo't parito may mga hawak na folder. tsaka mga papel. Di ko maaninag yung mga mukha nila kasi blurry yung mga mukha nila. Dama ko pa nga yung lamig ng aircon sa paa ko, nakatsinelas lang ako sa panaginip ko. Then may umagaw ng pansin ko, nanlabo yung lahat ng mga nakikita ko pero na sentro naman yung pansin ko sa isang lalakeng nakaupo sa swivel chair, at naka focus sa ginagawa niya. Alam kong nakatingin siya sa monitor ng computer kasi, nagre-reflect yung ilaw nun. So ako eh naglakad papunta sa kanya. Tanda ko pa yung suot niya eh, naka suit and tie siya, yung tie niya eh kulay light blue at black yung polo niya. Pero tulad ng iba, di ko makita yung itsura niya.
Nung makalapit ako sa kanya, nakita ko kung ano yung tinitignan niya,Sa monitor ay nakita ko yung scanned copy ng ACCOMODATION DETAILS ko. As in yung general unique number at pirma ng mother ng asawa ko. Tapos nun eh lahat ng mga ingay sa loob ng office na iyon eh narinig ko, halo-halo na. then nagising ako.
Kinaumagahan, di na ako mapakali, ang weird kasi parang totoo. bumalik tuloy yung mga panaginip ko noon bago maging kami ng asawa ko. Dati kasi nung di ko pa siya nakikita sa webcam, eh nananip ako na umaakyat ako sa hagdan tapos lagi ako humihinto sa pulang pintuan. Tapos nang mga ilang buwan eh nung gumamit na kami ng webcam ng asawa ko for the first time. Galing siya sa labas nun, so siya tuwang tuwa na kausap ako, at pumasok siya sa pinaka main door ng aprtment na iyon. Nung umakyat siya huminto siya sa tapat ng pulang pintuan.
Sabi ko sa kanya "Parang may naalala ako sa pinto na iyan." Nung time na iyon pumasok sa isip ko yung panginip ko. Tapos di siya naniniwala kasi sabi niya panaginip nga lang daw iyon. So until now, sumasagi iyung mga weird dreams ko about sa lugar na iyon. May panaginip pa nga kami na magkahawak kamay kaming naglalakad tapos umuulan ng snow at magkakape daw kami sa coffee shop malapit sa tinitirhan nila.
Thanks sa pagbabasa mga ka-spookify. and God bless!
YENGSKIE
BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Short Storybased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2
