Sanib

1.8K 41 0
                                        

BY: RHANZ

Sana po mabasa niyo po ang story ko na ito,

Kung sa mga nagtatanong o napapaisip kung ano ang pakiramdam na masaniban ito po ang aking kwento

Noong ako pa ay nasa 1st year high school ay naging paborito ko ang manuod at magbasa ng mga horror stories hanggang sa masubukan namin ang mag ghost hunting.

7pm sa Imus National HighSchool ay nag si uwian na ang mga studyante kaya ako at ang lima ko pang classmates ang naiwan sa room, simple lang ang ginawa namin naghawakhawak kami ng kamay at nagsimulang tawagin ang multo.

Ngunit wala kaming naramdaman, dahil ayaw at natatakot ang iba saamin ay nagpasya kaming umuwi na. Pagkalabas namin ng room namin at mdyo nakalayolayo na ay nahagip ng mata ko ang isang lalaking naka gray na barong ang nakasilip mula sa bintana ng room namin.

Binulungan ko sila na tignan ang bintana ngunit wala silang nakita.

Kinabukasan 3pm sa school namin ay nakita ko ang lalakeng nakabarong nakatayo sa harap ng pintuan namin, at nakatingin ito ng diretso sakin, pero ang ikinagulat ko ay nang lumabas ang babae kong classmate ay tumagos lang ito sa kanya

Papalapit at papalapit siya rito at parang hinihigop ang lakas ko

Nagsimula na na di ako makagalaw at nakakatitig lang ako sa mga mata niya.

Hanggang sa nagsalita na ito na di ko maintindihan. Hindi parin makagalaw ang katawan ko.

Nakikita ko ang mga kaklase ko na busy sa pakikinig at pagsusulat hanggang sa harap na harap halos 2 inches lang ang agwat ng mukha namin na nakabarong na lalake

Nakita ko ang mga kaklase ko na nagsisilayo saakin at parang takot na takot at nagtataka ako kung bakit ako hawak hawak ni mang edie na guard namin sa school,

Bakit po ano po nagawa ko

Tanong ko sa kanila pero parang di nila ako pinapansin, ang sagot lang saakin ni mang edie

tangnamo lumayas ka kilala kitang demenyo ka

nagulat ako bat ako pinagsasalitaan ni mang edie

hanggang sa naramdaman ko na parang babagsak na ang katawan ko, at yun na nga nawalan na ako ng malay.

Nagising nalang ako na nakahiga sa cliniv mag aalasingko na ang mga oras na iyon

Dinalaw ako ng mga kaklase ko doon na nga nila kin wento ang nangyari.

Busy daw silang lahat nang nagsimula daw akong tumuwa ng malakas isang malaki at malalim na boses daw ang lumalabas sa bibig ko

Pinagmumura ko daw silang lahat at kinakain ko daw ang papel na hawak ko

Mas lalo daw silang matakot nang nagsuka daw ako naitim na likido.

Pinipigilan daw ako ni mang edie, minura niya daw ang spiritu dahil yun daw ang makakatulong sa pagpapalayas ng espiritu ayun sa kanya.

Natakot na po ako na mangyari yun, ang sabi nila once na nasaniban ka magiging suki ka na nang masasamang nilalang

Wag na wag mo paglalaruan ang ga bagay na di mo alam ang magiging resulta.

Di na na ulit ang pangyayari yun dahil nung araw na din yun ay binahagi sakin ng kaklase ko ang mabuting balita na Ginawa saatin ni Jesus Christ ang iligtas at tubusin tayo saating mga kasalanan at kapahamakan pag iyong tinangap na ikaw ay makasalanan at humingi ng tawad at tinangap ang Panginoong Jesus Christ ng iyong buong puso bilang Panginoon at tagapagligtas ng iyong buhay ay maliligtas ka.

At bibigyan ka ng proteksyon, kaya dapat hindi ako ang matakot sa kanila, sila ang matako sakin.

Kaya ba nila saktan ang anak ng Diyos.dahil subukan man nila akong saktan Diyos ang bahala sa kanila

Maraming salamat sana po magustuhan niyo ang story na ito

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon