Share ko lang po ang story ko pong ito..
Hindi man po ito about sa multo o sa ibang nilalang patungkol po ito sa isang karanasan at tao na lubos ko pong hindi malilimutan
One time po ay nagkakayayaan po ang tropa namin na magkainuman,
natapos po ang shots namin ng mga 3am na po kaya nagdecide na po kami na umuwi. Saamin po ay wala gaanong nalasing ganun din po ako dahil 2 baso lang po ako ng beer.
Nung pauwi na po kami kinakailangan po namin dumaan ng tulay at lumabas ng subdiv para makasakay kaya medyo malayo layo po talaga ang lalakarin namin.
di po kami nagdala ng sasakyan.
ito na nga po habang naglalakad po kaming walo madami po kami, tawanan,usap usap habang naglalakad hanggang sa nadaanan nanamin yung tulay medyo madilil po sa daan na yun kaya binuksan namin yung flashlight sa cp namin.
nung napadaan po kami sa tulay ay nailawan namin ang isang pulubi na hubad po yung pambaba niya lalakeng siguro nasa edad 45 pa po medyo madungis at mataba, mahaba na po ang buhok at balbas.
May kinakain po siya kung di po ako nagkakamali pusa po yung kinakain niya
Nasuka po ako sa nakita ko ganun din ang mga kasama ko bali 3 girls lang po kami then 4 boys at isang bading.
Inasar po ng isang boy ang pulubing yun at natakot po kami sa ginawa niya
Tumayo siya una po para po siyang nanakot,
Tumayo po siya ng staight body then gumalaw ng left right lef right tapos may hawak siyang basag na bote.
Sumigaw yung bading na takbo.. kaya tumakbo po kami lahat
then tumakbo din po yung baliw at sumisigaw pa po siya at tumatawa
saksak puso! saksak puso! saksakpuso!
paulit ulit na sigaw ng lalakeng pulubi habang hawak ang basag na bote
Then may paliko po kaming madadaanan lumiko po kami doon medyo malayo po kami then dun na po kami nagstart na maghiwalay hiwalay. buti nalang malayo pa yung pulubi samin
Hinila po ako ng boyfriend ko papunta sa ilalim ng kotse, dumapa po kami, medyo madilim po dun.
then ang tatlo po ay nakita namin sa may isa pa pong sasakyan, nakita ko pong kumuha po sila ng kahoy. 3 boys po sila na andun then yung boyfriend ko ay kumuha then po ng malaking bato, para if ever na makita kami.
then narinig na po nami na parating yung pulubi.. tumatalon talon pa nga po habang tumatakbo..
then lumagpas na po siya samin pero nakita pa po namin siya sa dulo nagaabang.
tapos po bumalik nanaman siya pero ginaya niya po yung takbo ng aso at kumakahol pa po ito pero bago pa po siya makalapit ay lumabas na kami ng Bf ko kasi makikita kami.
Then pagkalabas po namin ay papalapit na po siya binato po ng boyfriend ko kaya napatayo po yung pulubi at sumigaw na parang galit na galit..
tumakbo po kami ulit at nakita nanamin yung 2 girls at 1 bakla na kasama namin na humingi pala ng tulong sa barangay.
Iyakan po kaming mga girls yung boys naman tuwang tuwa pa
ang balita ko sa pulubing yun ay nilabas na siya ng subdiv ng kaibigan namin pero ang sabi na sa labas lang daw siya nag-gagala..
Sana po ay mabasa niyo ang story ko kahit po hindi patungkol sa multo..
BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Cerita Pendekbased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2
