Extra

1.5K 26 1
                                    


hello po dahil naubos ko nanaman ang mga nagpapadala ng story nila ito muna po ang kunting trivia


Multo- ito daw ang mga kaluluwa na gumagala dito sa mundong ibabaw ang sabi nila may mga multo na di pa pumupunta sa kabilang buhay dahil


may mahalaga pa silang gusto gawin.

Hindi nila alam na patay na sila.

Naghahanap ng hustisya.

Gusto lang talaga nila magsaty ayaw nila umalis dito sa mundo.

siguro dahil may lugar o bagay at tao silang ayaw iwanan, kaya sila nananitili na magstay..


Duwende-  isang maliit na nilalang na kasama sa pamilaya ng lamang lupa o engkanto, ayaw nilang ginagambala sila di lang silasa punso maaring nakatira, pwede daw sila tumira sa mismong kabahayan, puno o gamit tulad ng manika at iba pa...

sabi ng ilan may itim at puting duwende daw

itim ito ang masamang duwende na gustong makasakit ng tao nakahit wala kang ginagawa sa kanila

puti naman daw ang palakaibigan na diwende sabi nila isa sila sa mga katulong ng mga mangagamot o abularyo para magkaroon ng kakahayaan ang isang mangagamot..

Tikbalang-  kalahating kabayo kalahating tao kabilang din ito sa pamilya ng enkanto..|

sila ay nakatira sa mapuno at wala gaanong tao na lugar.. Sila DAW ang dahilan kung bakit may naliligaw sa kagubatan, ang dapat daw gawin ay baligtarin ang damit, ang sabi naman ang iba alayan mo siya nang magandang himig. 

Awang-   sila daw ang mga tao na nagbabago nang anyo tuwing gabi o bilog ang buwan, may mga aswang na nasanyong tao may mga aswang naman na nasa anyong hayop mismo tulad ng baboy, ibon o aso.. at may mga aswang naman daw na nasaantong kalahating tao at hayop na nasa anyong halimaw daw... May nakakapagsabi na takot sila sa liwanag ng araw at asin...

narito ang ibang halimbawa ng aswang

Wak-wak – Ito ay isang nilalang na anyong ibon. Lumalabas ito sa gabi upang maghanap ng biktima at madalas itong iniuugnay sa isang bampira.Balbal – Ito ay isang uri ng mangkukulam na ang binibiktima ay mga buntis. Kapag gutom ang balbal, nagiging pula ang mga mata nito at ang tingin ay tumatagos sa sinapupunan ng buntis.Kubot – Ito ay isang nilalang na parang paniki na may malalaking pakpak. Hinuhuli nito ang kanyang mga biktima sa pamamgitan ng kanyang matatalas na kuko.Tik-tik – Isa itong malaking ibon na lumilipad sa gabi at naghahanap ng natutulog na tao. Kapag nakita na niya ito, pinapahaba nito ang kanyang nguso hanggang sa umabot sa biktima at kanyang iinumin ang dugo nito.Sigbin – Isang nilalang na kawangis ng kangaroo na mayroong maluwang na bibig at malalaking pangil. Pumapatay ito ng tao sa pamamagitan ng kanyang bahin.


.Mananangal-  nahahati daw ang katawan nito at nagpapahid ng langis upang mapadli ang pagkahati nito, mahilig nito biktimahin ang mga buntis o mga bata panguntra daw sa kanya ay asin.


Kapre- isang uri ng enkanto malaking tao at nanlilisik ang mata, nagpapakita daw ito sa isang babae pag gusto siya rito, hindi nanakit ang kapre pag wala kang ginawang hindi maganda sa kanya..

isa  itong nilalang na nakitira sa mga malalaking puno at a matatandang puno..


Berbaroka-   sabi ng iba ito daw ay diwata ng tubig maliban kay alena joke haha, sabi ng iba anyong sirena sabi naman ng iba anyong tao lang na nakatira sa lawa, ilog, o ano mang anyong tubig ito.. para siyang enkanto sa katubigan.. sila raw ang malimit na nanlulunod sa mga taong gusto nilang biktimahin... ( sirena,syokoy)


Santelmo- sa probinsya ito ang pinaniniwalaang bolang apoy na gumagala sila daw ang kumukuha ng mga kaluluwa ng mga pumayapa na..

Mambabarang at Mangkukulam-   sila ay iba sa mangkukulam dahil ang mangkukulam ay sakit ang biniigay but ang mambabarang ay kababalaghan o kasuklamsuklam ang ginagawa sayo..  pinapasukan niya ng mga insekto ang iyong katawan or minsang bininigyan ka niya ng sakit o sugat.. Hindi sila harapan kung lumaban at kung minsan kamatayan nauuwi ang biktima.



yan lang muna abangan pa ang iabang EXTRA.....






Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon