Dear Readers di po ako ang nakaranas nito.. copy paste lang po sya
Isa akong propesor sa PUP Manila. May walong taon nang nagtuturo ng Social Science sa nasabing unibersidad. Madalas akong naa-assign sa mga Engineering Students. Nangyari ang kwento kong ito noong 2011 nang minsan nahawakan ko ang BSEE 3-1, maraming irregular students sa kanila. Kadalasan nagsisimula ang klase namin 6pm ng gabi hanggang 9pm naman ang tapos. Active ako sa pagchecheck ng attendance nila. May isang student na nakaupo sa likod, isang babae, nakabangs pero tanging kaliwang mata lamang ang makikita.Mukha siyang weird dahil hindi siya nagsasalita kapag tinatawag ko ang batang iyon. Ngunit masipag, sumasagot sa aking mga exam, quizzes at tumatayo kapag tinatawag ko sa recitation pero hindi nagsasalita. Umabot kami ng midterm weeks, ganun pa din siya. Nakilala ko siya sa apelyido niyang "Dolorosa".
Uwian na noon. Nakita ko siya sa corridor, umiiyak at tinatanong ko kung bakit umiiyak ngunit hindi siya nagsasalita. Biglang dumaan ang dalawa kong estudyante at bigla nila akong pinagbubulungan. Hindi ko sila pinansin. Nagpaalam ako kay Dolorosa at umalis, baka kung ano ang isipin sa amin ng makakakita lalo pa't nasa dilim kaming dalawa.
Pang-apat na meeting. Recitation. Tinawag ko ang apelyidong Santos, Buenconsejo, Facun at Dolorosa. Hindi naman mahahalata ng mga student ko kung tama o mali ang apelyidong binabanggit ko dahil marami sa kanila nga ay irregular at hindi magkakakilala.
Tinawag ko si Dolorosa, pero medyo nabwisit ako dahil hindi ako sinasagot sa tanong ko. Nakatingin lang siya sa ibaba. Pinagtataka ko sa halip na ang pagpawisan si Dolorosa, si Facun ang kinakabahan sa tanong ko. Hawak ko ang index card ng mga students ko. Minarkahan ko ng 5.00 si Dolorosa pero nanlaki ang mata ng student na nasa harap ko dahil sa ginawa ko.
Midterm exam na kasabay nito ang quiz. Alphabetical sila sa upuan. Ugali ko ang magpaexam ng isang oras tapos ichecheck namin sa parehong araw. Matapos na nga ang isang oras, nagpasya akong kunin ang papel ni Dolorosa at checheckan ko kasabay ng pagcheck ng mga students ko sa mga papel ng katabi nila. Iniisa isa ko ang key to correction habang chinecheckan ko ang papel ni Dolorosa. Pinagmamasdan lang ako ng babaeng nasa harapan ko at ang papel na chinecheckan ko. Matapos ang pagwawasto, nalaman ko ang score ni Dolorosa, "33/100, bagsak ka". Sabay ngisi ng mga batang nasa harap ko. Matapos nito, quiz naman ang aming chineckan. Ganun pa rin ang sistema.
Isang gabi, nakita ko ulit si Dolorosa, hindi sa corridor kundi sa ibang kwarto. Umiiyak at humihingi ng tulong. Kinausap ko at napaisip ako, baka depressed sa score na nakuha niya. Ilang sandali, naglaslas ng pulso si Dolorosa. Nagulat ako sa nakita ko at kaagad syang namatay. Hindi ako makaiyak, sumigaw ako at kumaripas ng takbo. "Tulong! May nagpakamatay". Sa pagtatakbo ko nakabangga ko ang tatlo sa mga students ko. "Sir ano ang nangyayari sa inyo?" "Yung kasection niyong si Dolorosa, nagpakamatay sa kwarto".
"Huh sir wala naman"
"Hindi niyo ba nakita, umiiyak siya kanina".
"Sir wala oh, adik ka ba sir. Haha"Doon ko napagtanto na ako lang pala ang nakakakita sa babaeng estudyanteng iyon. Kaya pala pinagtitinginan ako kapag kinakausap ko siya dahil akala nila kinakausap ang ko sarili ko.
Kaya pala, pinagpapawisan si Facun dahil akala niya sa kanya ako nakatingin. Kaya pala, pinagtatawanan nila ako kapag nagchecheck ng papel ni Dolorosa dahil ako lang pala ang nakakakita ng mga sagot niya. Samantalang ang mga estudyante ko nakikita nilang nagchecheck ako ng blangkong exam. Ganun din sa index card.
Hindi pala tao si Dolorosa. Isang kaluluwang ligaw na ako lang ang nakakakita. Sinuri ko ang records ng school. Hinanap ko lahat ng students na Dolorosa. Nakita ko ang pangalang Germina Dolorosa, isang student noong 1988 na nagpakamatay sa labas ng PUP. Hanggang ngayon, palaisipan sa akin ang pagpapakita sa akin ng babae.
Doon ko napagtanto ang mukha ng babae sa records niya. Siya ang kaklase ko noong elementary pa lamang ako na laging binubully sa klase at ako ang laging tumutulong sa kanya. Ngunit hindi ko na ito matandaan. Nagpakamatay siya dahil depressed siya sa buhay kolehiyo at problema sa pamilya.
Mag-iingat kayo sa mga naging kaibigan mo. Huwag niyo silang kakalimutan.
BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Short Storybased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2