TATAY

171 1 0
                                        


Hello po. I'm Kim, pero sanay po akong tawagin ng mga kapitbahay at family ko ng "King" especially po ng tatay ko. Bali kapatid po siya ng papa ko. Tatay lang po ang nakasanayan namin ng mga kapatid ko na tawagin siyang "tatay". Pinaka eldest po si tatay Adre samantalang ang papa ko ang pinaka bunso. 

12 po silang magkakapatid.Napaka friendly po ni tatay pero nasa ugali na niya talaga ang magsisigaw at mambulabog lalo na kapag gabing-gabing na. Kahit hindi na siya masyado makalakad dahil sa stroke niya ay palagi na lang itong nakaupo at nakikinig ng drama sa radio. Nakakaawa po si tatay kapag nakikita namin siya pero pilit niyang ngumiti. 

80 plus na po si tatay.'Siya rin ay mahilig mag kumpuni. Yon lang kasi ang tanging aliw niya. Isang araw narinig namin siyang nagsisisigaw. Akala namin may ipag-uutos na naman siya--rinig po namin dahil magkapitbahay lang po kami then 'yon nabalitaan namin na na lapnos pala ang buong hita niya. Talagang sunog na sunog kaya mas lalo kaming naawa.Nagsindi po kasi siya ng kandila 'tapos hindi niya namalayan na tumutulo na sa pantalon niya. 'Di niya kasi maramdaman ang init dahil manhid ang kanyang hita. 


Don lang niya napansin na nasusunog na ang balat niya dahil sobrang lapnos na.Do'n na din nag umpisa ang pagiging masakitin niya.Ilang araw o buwan na ang nakalipas ay naging bed ridden si tatay hanggang sa umabot sa puntong nag-aagaw buhay siya.Dapit hapon noon na pinagmamasdan namin siya. Sobrang ang laki ng pinayat ni tatay. Putlang-putla at lagi na niyang binabanggit ang nanay niya o nanay nila papa na matagal ng pumanaw. Pilit siyang may inaabot sa hangin ngunit siyay nakapikit.Parang sinusundo na po siya.Nandon kami ni mama, yong panganay niyang anak, ang ate ko, at ng iba pa. Kunti lang kami non noong nasaksihan namin ang tuluyang paghinto ng paghinga niya. Napaiyak ang kanyang panganay na anak na nasa tabi niya. Sila ante at pati na rin kami.Ni wala akong ganang pumasok sa trabaho dahil sobrang nanghihina ako. 



Napaiyak din ako sa tuluyang pagpanaw ng mabuti kong tatay. Mahal ko siya. Mahal na mahal.Mga June 10, 2019 po siya nabaiwan ng buhay. Kaya hanggat kaya kong mag vigil kahit na 3 shifting ang trabaho ko ay talagang pinilit kong makavigil man lang hanggang mag umaga. Kasi wala masyadong dumadalaw sa lamay niya.Isang gabie apat na lang po kaming naiwan na mag bantay. Ako, ang bunso kong kapatid na lalaki, si ate Juaning (1st eldest daughter) at yong malapit na kaibigan ni tatay na may katandaan na rin. 


Sa labas ng bahay po ang lamay niya.Nagkekwentuhan na lang kami dahil pareho na kaming antok. Nasa harap ko pa ang kabaong ni tatay pero hindi ako natatakot.Natakot lang kami dahil biglang nag brown out. Sobrang dilim ng paligid. Agad kong kinuha ang phone ko at gumamit ng flashlight. Nanginginig pa nga ang mga kamay ko habang nagpipindot pagkatapos may naririnig kaming parang may kaluskos.Agad kaming napaiwas habang nagsisigaw dahil lumakas ang ingay. Agad napatayo ang kapatid ko dahil nasa ulohan niya ang nahuhulog na dahon ng niyog. Kinabahan ako at sobrang natakot para samin lalo na sa kapatid ko. Pilit kong iniilawan ang kabaong ni tatay kahit natatakot ako dahil baka biglang magpakita ni tatay pero wala naman akong nakitaPatuloy pa rin ang pagnginig ng kamay ko hanggang sa magkaroon na ng ilaw. Nakahinga na rin kami ng maluwag.Feeling ko talaga nagparamdam si tatay ng mga oras na 'yon. As in. Ang lakas lang ng pakiramdaman ko. Napakacoincedence kasi na nagkabrown out at nahulog ang niyog na kami na lang ang nagbabantay 'tapos maya't-maya ay bumalik na kuryente pagkatapos ng nangyari.Lahat kasi kami ay natayuan ng balahibo ng mga oras na 'yon.Pagsapit ng umaga ay agad kong binalita kina mama at papa ang nakakatakot na pangyayari.Pasensya kung napahaba at hindi siya masyado nakakatakot pero grabe talaga yung feeling na nandon ka sa ganoong sitwasyon. Last memory ko na rin kasi 'yon kay tatay na minamahal ko. 


I love you tay

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon