Hi. 1st timer here kainis mahabang intro so eto story ko
Bale nangyari sakin to mga year 2007 mga gnun. So nandun nga kami nun sa bahay ng bf ko that time, Dun muna kami natutulog sa kanila, kami bantay muna sa bahay. Maliit lng nmn bahay nila, dun kami natutulog sa salas nila kasi ung kapatid nya sa kwarto natutulog. Patay na ilaw nun.. (di kasi ako sanay ng my ilaw) yun Nood muna kami mga movies pampa antok.. tapos Mga bandang alas dos cguro yun. Tulugan na. Nang may mapansin ako sa ulunan namin. Sa my tapat ng ref. Madilim na nun pero kitang kita ko ung dark entity na yun na nakatingin sa amin. Cguro mga 2 to 3 feet lang ang layo nya sa amin. Parang lalaki ung hugis nya matangkad. Nagulat ako nun sa entity na yun. Tapos siya rin prang nagulat din sya. Sabay nagtalukbong ako ng kumot!! Hindi pala ako napansin ng bf ko nun. At hindi nya alam ang nangyari. Kinabukasan ko na nasabi sa kanya.
Tapos kinuwento nga namin ung pangyayari na yun sa mama nya. At sabi nga ng mama nya na minsan nga my sumisitsit nga daw dun sa kanila kapag sobrang tahimik ng bahay.
Tapos ung gf din pala ng kapatid nya nakita narin ung entity na yun. Ang kwento nya, Bale nasa kwarto daw sya that time. Tapos my napansin syang nakatayo sa my pinto. Bale ang katapat ng pinto nun eh computer. Nakapatay cpmputer nun kya kitang kita nya ung reflection ng entity na nakatayo nga sa my pinto. Tapos ang tagal daw dun. Natakot na sya. Kasi anu nga yun? Hindi rin nya alam kng ano un. Kinikilabutan kaming lahat nung napag usapan namin ung entity na yun..
Meron kaming nakuhaan na dark entity. Dun lang din yun malapit sa kanilang lugar. Hindi namin sure kung eto rin yun nagpapakita sa bahay nila bf.Yun lang po salamat Sa time nyo
Meron pa ko mga ibang karanasan sa mga ghost na yn. Ewan kung my 3rd eye ba ko or what. Popost ko rin po yun dito pag sinipag.
Paki attach naman po sana yan sa kwento ko.. salamat.

BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Historia Cortabased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2