Hello! This is my first time! Sana mapost!
Dahil nanuod ako ng kababalaghan at mayroon doon kwento about sa jeep. Ibabahagi ko lang yung naranasan ko sa jeep.
This happened last month. Galing akong Valenzuela, South papuntang 2nd avenue. Sumakay ako ng pa recto nun kasi dadaanan naman niya ito. Maraming nakasakay nun pero hindi naman punuan. Pagbayad ko, agad din akong umidlip nun kasi sobrang pagod ako.
Paggising ko ay nasa monumento na yung jeep, nagbabaan na yung ibang pasahero. Ang natira ay yung mag asawa sa likod ng driver, ako sa dulo ng jeep sa may babaan right side at sa left naman is yung isang estudyante na taga UE. Nung nasa 9th Ave na kami nung bumaba yung mag asawa, so kami na lang nung estudyante natira sa likod ng jeep. Sa tabi ng driver may isang mama pa.
Pagdating ng 5th avenue which is mahaba yung seconds ng stop light bigla na lang nagsalita yung driver habang nakasilip sa front mirror.
""Hoy kayo! Baba! Pag kayo naaksidente diyan sagutin ko pa kayo! Baba!"" Sigaw niya, nagulat kami nung estudyante.
""Manong bakit niyo kami pinapababa?"" Medyo galit na sabi nung estudyante sa kanya.
""Hindi kayo boy! Yang mga batang sumasabit sa jeep ko! Baka kasi mahulog eh!""
Tumaas yung balahibo ko nun! Nakaharap ako sa labas so alam ko pag may sasabit sa jeep, ganun din yung estudyante kaya nagtataka kami at the same time ay natatakot na nun.
""Kuya naman eh. Wala naman nakasabit."" Sabi ko na medyo nanginginig yung boses.
Agad lumingon samin yung driver tas nagkamot. ""Hindi! Meron talagang sumabit kanina! Isang binata tapos dalawang batang lalaki"" pilit niya.
Pinilit rin namin na wala talaga nun. Sakto naman na nag green light na nun kaya pinaandar niya na yung jeep. Nung nasa kabilang kanto na kami bumaba yung manong na katabi nung driver. Pero bago ulit paandarin yung jeep, bigla na lang itong umalog. Yung tipong parang may tumalon sa jeep? Or bumaba ng malakas na pwersa? Ganun yung nangyari.
Agad kaming nagpara nung estudyante nun kahit malapit na ko. Bumaba pa rin ako sa takot ko. Nung nasa gilid na ko nun, lumapit sakin yung mama na nakasakay namin, yung katabi ng driver.
""Ineng nakita ko rin sila... Alam ko na multo sila kasi yung binata duguan yung mukha tapos durog yung isang kamay. Hindi na lang ako nagsalita para hindi kayo matakot. Bukas kasi ang third eye ko kaya nakikita ko sila."" sabi niya. Halos napaiyak ako nun sa takot kaya ang ginawa ko ay tumawag ako sa boyfriend ko para magpasundo.
Kaya after that bumababa na ko kapag mag isa na lang ako na pasahero o kahit tatlo pa kami. Ang sabi-sabi, yung mga nagpakita raw ay yung magkakapatid na badjao na nasagasaan sa may 5th avenue.
BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Historia Cortabased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2