OJT

2.5K 36 3
                                    


by: sandra palomata


share ko lang po ang scary moment sa isang Hotel sa Makati nang ako ay nag OOJT 

culinary student po kasi ako kaya sa kitchen ako naka assign

naka assign po ako sa cafeteria para sa mga employees,saturday yun kaya wala gaanong employee's na kumakain, kaya hindi busy pinag chop at pina prepare nila ako ng vegetables

dahil hindi busy that time apat lang kami ang nasa kitchen,lumabas muna ang dalawang chef para mag CR, at yung isa naman ay umakyat sa itaas

Habang busy ako na nagchochop at ang isang chef naman natira ay nasa otherside ng kitchen at nagluluto at nagaayos na ilalabas sa service station

Bigla nalang kami may narinig na nagsalita na lalaki na husky voice na ibang language parang spanish language.

Pero mahina lang

Nung una akala ko nangtitrip lang yung kasama kong chef dahil palabiro talaga yun

biglang sabi niya ikaw ba yun??

Ang sabi ko naman hindi po,akala ko po ikaw yun

wala naman tao sa service station that time kasi di siya time ng break ng mga employees, so kunti lang talaga ang nasa cafeteria at kunti lang ang nasa service station

Nagkatinginan lang kami ni chef sabay takbo siya sa labas, bait diba iniwan ako


bumalik naman siya agad at pinagpatuloy namin ang mga gawa namin

pagdating nang dalawang chef na lumabas kinuwento namin ang nangyari


sabi nila normal na daw yun kasi dati daw may namatay na chef sa loob ng walk in freezer dahil daw inatake siya sa puso habang may kinukuha sa loob

at ang sabi nila sigura daw ay di daw natatahimik ang kaluluwa ng chef na iyon, at siguro akala nila ay nagtatrabaho parin sila duon

lalo ako natakot nun dahil lagi ako tumatambay sa walk in freezer kasi malamig


kaya pala iba pakiramdam ko nuon nung nasa loob ako kasi may parang may kasama o may nakatingin o parang mabigat ang pakiramdam kapag nasa loob ka

May naikwento din ang mga kasama kong nag oojt habang naka duty sila


share ko na din para masaya

nakaassign daw sila sa uniform so sila po yung naglalagay ng uniform sa conveyer

belt para sa mga regula employee's

one time daw habang tapos na daw sila sa ginagawa nila umupo daw sila sa may gilid ng conveyerbelt at nagpicturan

pagtingin daw nila sa picture may nakita daw sila na nakatayo sa gitna ng conveyor belt na babae na mahaba ang buhok at nakaputi dalawa kasi yun na magkatabi, isa para sa men at isa para sa ladies

sorry po kung mahaba  sana mabasa niyo po ito at maraming thank you po






Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon