Hi po good evening sainyo. First time ko lang po kaya sana po maunawaan nyo nalang. Nangyari to noong showing pa ang "Shake rattle and roll". So kami ng girlfriend ko eh gusto namin itry sa Starmall para naman maiba, lagi naman kase iisang mall napupuntahan namen. So eto na nga, bumili na kami ng ticket. Hindi ko alam kung saan yung entrance ng sinehan kung san showing yung palabas. Wala rin kami mapagtanungan, sabi nalang namen "Ano ba to kahit guard na umiikot wala masyadong makita
Hanggang sa dumating na yung oras kung saan ipapalabas na nga. Nakita na namen, ewan ko bakit parang ambigat sa pakiramdam ko nung papasok na kami. Binigay ko yung ticket sa babae atsaka pinapasok na kami pero wala man lang silang imik. Binalewala ko nalang.
Pagpasok namin, siksikan na andaming tao halos di na kami makaupo pero nakaupo na rin nung may nakita na kaming bakante na dalawa sa bandang dulo. Nagulat ako kasi pano ba naman tinitigan ako ng dalawang bata sa unahan namin. Parang may galit yung tingin o ano. Tas paglingon ko naman sa kabilang side ng gf ko nakita ko nakatingin din saken medyo napasigaw ako then sinenyasan nya akong wag daw maingay. Andun na nagsimula na magsitayuan balahibo ko. Sabi ko sa gf ko "Tara na parang may mali dito" sabi nya "Di pa tapos mamaya na, parang tanga naman to e." Pinilit ko siya ng pinilit. Hanggang sa di ko na talaga nakayanan kasi nga parang nakatingin samen lahat ng tao. Maya maya nagsabi yung gf ko na "Parang iba na nga, tara na alis na tayo
" So ayun nga habang bumababa kami nakatingin samen lahat ng tao, walang imik. Dali dali kaming lumabas nag uunahan pa palabas. Aba nagulat kami kase bakit nakasarado? Tas may lumapit samen na tatlong guard. Sabi samen "Mam sir mawalang galang na ho. Pano po kayo nakapasok? Nakasara po yang sinehan na yan. Tingnan nyo po oh walang katao tao." Dun na kami kinilabutan, di na kami kumain, dire-diretso nalang kami umuwi. Magmula nun hindi na kami ulit nagsine sa lugar na yun. Hinding hindi ko malilimutan yung nangyaring yun. Pasensya na po ah kung corny at magulo ang story ko. Sana po maappreciate nyo. Maraming maraming salamat po.
BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Short Storybased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2
