Friendly Ghost

1.4K 37 1
                                    

hello, nabasa ko po ang mga story niyo... nakakatakot po hehe pero ito pong isheshare ko ay di po nakakatakot pero hinding hindi ko po malilimutan ang klaranasan na ito

28 na ako ngayon pero nang yari ito nang ako ay nasa 19yrs old

saaking kwarto ay may nagpaparamdam na isang bata naka white dress siya then apple cut yung hair niya at meron siyang maamong mukha Nung una natakot ako pero katagalan nasanay na ako...

One time nga habang ako nagtetext at nakahiga saaking kama at bukas ang aming pintuan ay may dumaan sa labas.. at yun ang bata na tinutukoy ko tumingin ito saakin at binigyan ako ng masaya at matamis na ngiti...

may time naman na habbang nagcocomputer ako nang gabi... ay nararamdam ko na tumatalon siya sa aking likuran habang ako ay naglalaro ng P.C.

Ramdam ko ang sahig ng aking kwarto na parang nagvavibrate dahil nga may tumtalon kaya ramdam ito ng paa ko..

nangyayari ito pag ginagabi ako sa pag P-PC pag ayaw ko parin tumigil ay naririnig ko na sa kama naman ito tumatalon, ayaw niyang tumigil habang di ako tumatayo at humihiga saaking kama... Para bang ayaw niya na nagpupuyat ako

Then nangyari na nga ang nakakatakot na pangayayari....

One night ay may narinig akong isang malakas na kalabog, nagising ako pero di makagalaw ang aking katawan yung pakiramdam na gusto mo magsalita pero walang boses na lumalabas sa iyong bibig,

then nagulat ako nang nakita ko sa ulohan ang isang matandang babae na may mahabang mahabang buhok at nakahawak ito sa noo ko....

then nakita ko ang batang babae na paanan ko na nakatingin nang masama sa matandang babae, sinisigawan niya ito,

after nun ay tumingin saakin ang batang babae at pinatunog ang daliri ko sa paa at binigyan niya ako ng maganda at matamis na ngti at pagkatapos nun ay naglaho na ang batang yun kasama ang matandang babae...

Simula po na nangyari yun ay di ko na kailanman nakita ang little girl na yun

sometimes iniisip ko na siguro ay nagsacrifice siya para saakin may time nga na gusto ko siya pasalamatan at gusto ko makita siya ulit

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon