Ang huling marka

400 7 1
                                        


Nasa probinsya kami ng family ko naka stay noon (taong 2006-2007 ata) though di kami laking probinsya talaga. That was during my high school days. Bakasyon nun, sumakabilang buhay ang lolo ko, papa ng mama ko. Nakasama din namin sya ng ilang taon pero hindi kami ganun ka close kasi matagal syang naka stay sa states at na bed ridden na sya nung magka muwang na ako. Sa bicol kahit magtanong ka sa mga tao dun, paniniwala nila na kapag namayapa daw ang isang kamaganak, the day right after ng libing dapat walang tao sa bahay. Pumunta kayo kahit san, like mag picnic kayo or swimming or whatever basta dapat walang maiiwan na tao sa bahay. Tapos yung mga pinto ng bahay, lahat ng pinto ultimo cr lalagyan ng sako or tela na may buhangin. Konting buhangin na korteng doormat. Reason? Bumabalik daw yung kaluluwa ng namatay na tao na yun dun sa bahay tapos malalaman mo kung oo dahil babakat yung paa nila dun sa buhangin. Di ko nga lang matandaan exactly kung dahil sa bahay na yun sya nakatira or dahil dun din sya binurol.

Bago pa man mangyari ang insidenteng to, marami na akong naramdaman sa bahay namin lalo na nung bagong lipat kami jan. Kasi nga galing kami ng manila, umuwi lang dapat kami ng bicol para sa bakasyon pero natuluyan na kami dung magstay. Ang bahay na tinitirhan namin ay sa lola at lolo ko. Pinagawa ng tita ko na nasa states para sa kanila. Malaki ang lote ng bahay, dating bakanteng lote na mapuno tapos ginawan ng bahay. Pero malaking bahagi pa din ng lupa ang natira para sa mga puno at kung ano ano pang halaman. Ngayon heto na ang nangyari, nilibing na ang lolo, syempre mabigat ang ambiance ng bahay kasi maraming taong malungkot, madumi kasi bawal daw maglilnis ni magwalis pag may naka burol, at may amoy na parang naiwan siguro dahil sa formalin dahil ilang araw ding naka burol si lolo. Kinabukasan after ng libing ni lolo napagusapang magpipicnic nalang daw kami dun sa babang lote. Tulad ng sabi ko malaki ang space ng lote ng bahay kaya meron kaming mappwestuhan para sa picnic. May dala kaming e fan may extension lang kahit mahangin naman dun kasi ang shade namin ay malalaking puno ng mangga tapos kompleto rin ang pagkain namin for the entire day from breakfast to late merienda, kasi ayon sa pamahiin after 5pm pwede pa kami pwede bumalik sa bahay. Before mag 5pm bandang 3:30 super kelangan kong bumalik ng bahay kasi naiwan ko yung favorite cereal ko. Yung di ko mapigilang urge na dapat makuha ko yun kasi sya lang ang gusto ko kainin nung merienda time. Hahaha. Ang babaw alam ko. Anyway, ayaw sana ako payagan nila. Inuutusan ko yung kapatid ko na sya kumuha kasi secretly natatakot din ako syempre kaso ayaw naman. So no choice ako. Ako ang umakyat para kumuha. Ang maswerte pa yung cereal nakalagay dun sa plastic container sa loob ng kwarto, kwarto kung san namatay si lolo. May hika si lolo, pag inaatake sya may sounds sya na ginagawa na parang pumipito pero hirap huminga. Yung tunog ng mga hinihika talaga pero nakadagdag lang eh yung boses nya medyo malaki tapos matandang lalaki na tono. So ngayon eto na ko, dahan nakong papanhik ng bahay, sa likod na pinto ako dumaan. Ang dilim ng paligid kasi nakapatay lahat ng ilaw since buong araw naman kaming wala. Sobrang tahimik. Nakakapanibago. Nakakabinging katahimikan. Parang naririnig ko na nga tibok ng puso ko, walang halong biro. Teka, bakit ambigat ng paghinga ko? Ah kinakabahan ako. Bakit ako kinakabahan? Hapon na hapon mataas pa ang tirik ng araw. Maliwanag sa labas, bakit ako matatakot? Di ko alam, para akong tanga. Pinapa tapang ko sarili ko para saan? Di ko rin maipaliwanag. So sobrang tahimik, naririnig ko yung tulo ng gripo sa cr. Pa dahan dahan pa ako maglakad. Para bang nakikiramdam. Konting aninag lang ng liwanag sa labas ang ilaw ko. Parang nakakaloko din ang sayaw ng anino ng puno sa tapat nag bahay kala mo tuloy may taong naglalakad lakad sa loob. Ang punto ko sa kwarto mismo. May sakit ang pintuan ng kwartong yun, bukod sa medyo mahirap sya buksan kaya kelangan mong mag exert ng effort, normal din na may creak sounds sya pag binubuksan or pag isasara mo. Bahagya kong tinulak yung pinto tapos yung mata ko nakatuon dun sa red container na nilalagyan nang aking mahal na cereal. Lecheng cereal yan, nang dahil sa kanya nagkaron ako ng ganitong kwento. Parang may dumaan sa likod ko. Di ko pinansin dahil desidido ako sa pag hahalungkat. Di ko maaninagan pero nakikita ko sa peripheral view ko na may anino. Pinagpatuloy ko lang ginagawa ko ng biglang nagsara yung pinto. Shit! Dito lumakas na talaga yung kabog ng dibdib ko. Sabi ko pa sa sarili ko bakit ka matatakot eh lolo mo yun sabay bulong ko na lo wag mo naman akong takutin. Nadampot ko na yung kelangan ko. Sabay patakbong tayo at pilit na inaabot ko na yung pinto ng isang hakbang lang. shit! Di ko mabuksan. Napalakas ata yung hangin sa pagsara. Nagsisimula na akong matakot talaga. Hinihila ko na nang malakas yung pinto habang ipit sa kili kili ko ang pagkain na kasalanan etong lahat nang to. Hanggang sa may naamoy na akong kakaiba, yung same scent nung naka burol pa si lolo. Iniisip ko nalang na baka may tira pa since 1 day lang ang nakakalipas simula ng ilibing sya. Pero kakaiba to, ang lakas ng amoy. Di ko rin maintindihan ko kung tinatakot ko lang sarili ko pero parang may naririnig ako. Naririnig ko yung tunog. Parang malapit lang saken, tunog na parang mabigat na paghinga, or parang pumipito, di ko na ma compare pero biglang pumasok sa isip ko kung sang eksena ko narinig, parehas ng tunog nung gabing naghihingalo si lolo. Lumingon ako para tingnan yung kama kung san namatay si lolo, wala naming tao. Di ko alam kung ano bang inaasahan ko. Sa wakas nabuksan ko ang pinto sabay takbo papunta sa pinto ng likod ng bahay. Sa sobrang bilis ko I swear before ako lumabas ng pinto may nakatayo sa gilid. Aba eh sobrang takot ko na di ko na liningon pa para siguruhin kung si lolo nga yun. Kahit na sobrang karipas ko ng takbo sinigurado kong di ko natapakan or nasagi man lang yung mga buhangin na nakalagay sa maga pinto.

Hay salamat at nakarating din ako sa baba kung saan kami nagpipicnic. May mga times na kapag napapagusapan nila mama si lolo umiiyak pa din sila tapos tatawa sasabihing nasa mabuting kalagayan na si lolo ngayon, at least di na sya naghihirap dun. Inisip ko lahat ng nangyari saken sa bahay pag akyat ko eh guni guni lang. Dun pala ako nagkamali. Lagpas alas singko na, oras na para bumalik sa bahay. Ayon sa pamahiin, safe na dapat ngayong bumalik. Naunang umakyat si papa habang kami nagaayos na ng mga gamit. Narinig ko tinawag ni papa si mama. Lahat kami lumingon, di naman mukang tawag na natatakot ang ginawa ni papa, parang amaze ba ang tono nya. Sabi ni mama tapusin na namin yung ginagawa namin so ayun nauna na sila. Pag akyat namin, sa pagka mangha ko, ang sinasabi pala ni papa eh may bakat daw yung isang buhangin. Kung saang pinto? Dun sa pinto sa likod kung saan ako dumaan. Ang weird. Grabe, halos di ako makapaniwala. Kaso may isang bagay lang, di bakat ng paa ng tao eh. Foot print sya pero ng apparel ata. Pero di ko masabi. Parang di na nga ako naniniwala. Sabi ko nga baka na form lang yun ng hangin o kung ano pa man. Kasi alam naming wala talagang dumaan dun maliban saken. Naka slippers pa ako at wavy yung back ng slippers ko so automatic di saken.

Ilang linggo na ang nakalipas, naglilinis kami ng bahay. Lahat ng gamit na di na magagamit ipamimigay na or itatapon na kung wala nang kwenta. Yung mga gamit pala ni lolo kung may natira pa itatapon na daw. Lahat kasama yung suits nya, long sleeves, shirts, sapatos at iba pa. May nakita akong sapatos, di pamilyar saken, may kalumaan na, itim na rubber shoes ng Reebok. Sabi ko kanino kaya to sabay tanong kay mama na ma ano pati ba ito itatapon ko na? kanino to kako. Nang masulyapan nya parang may nangilid na luha sa mata nya tila may naalala. Inexamine ko yung shoes malaking paa kako to di naman kasya saken tapos binaliktad ko para tingnan yung likod kung may butas at kagamit gamit pa ba baka may pwede akong pagbigyan. Laking gulat ko ng Makita ko yung marks sa likod. Sabi ko familiar. Habang tinititigan kong maigi biglang may humawak sa balikat ko..................lumapit pala si mama ng di ko namamalayan. Paboritong sapatos ni lolo mo yan, sambit nya. Bigla akong natigilan, para bang ina absorb ko pa lahat ng nangyayari. Isabay mo na yan sa itatapon, pahabol pa ni mama habang naglalakad palayo. Ako naman parang dinaanan ng malamig na hangin sa buong katawan sabay tayo ng mga balahibo ko. Naalala ko na.

Parehas ng marka sa buhangin yung likod ng sapatos.

Kilabot Secret filesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon