Marami na rin samin ang nakaexperience na may multo daw. May tunog ng nagnanail cutter daw kapag gabi, biglang bumubukas ang gripo ng tubig, may madre daw na multo doon sa may chapel at may bata daw na nagpakita sa kabatch namin at malupit dito sumunod pa sakanya hanggang pag uwi.
Nung araw na pumunta kami sa retreat house na yun sobrang tahimik ng lugar, napakalinis at napakaganda. Pagdating namin dun diretso agad kami sa chapel hanggang gabi na yun kasi may mga activities na ginawa, hiwalay ang babae sa lalaki (kahit yung mga feeling na babae nasa lalaki rin no choice sila, may lawit sila eh)
Anyway, sa left ang lalaki , sa right ang babae, so pagabi na nga may nakita daw yung kaybigan ko na babae sa gilid namin na may dumadaan paulit ulit itim na anino daw syempre ako hindi ako naniniwala hanggang hindi ko nakikita, dedma ko na lang sya, then second day ata yun nagkaroon kami ng Holy Hour yung nakalagay sa monstrance yung Holy Host, syempre inabot kami ng gabi dun, ayan na naman marami na naman silang kuda ba may madre daw dun sa harap. May nagpapakita. Syempre ako hindi na naman naniwala. Then nung gabing din yun maraming nangyari, katulad na lang nung sa kaybigan ko na babae nagcr daw silang dalawa ng kaybigan ko may dala daw na jacket then after magcr hinanap nya si jacket pero wala daw kahit saang cubicle sa cr then pagbukas nila nung isang cubicle nakita daw nila dun si jacket pero hindi naman nya doon nilagay yung jacket. Then yung gabi din na yun may nakarinig ng may nagnanailcutter. Sakin naman nagising ako mga bandang 3am siguro yun lahat sila tulog ako gising pero may nakita ako sa bintana nun nakabelong itim tapos nakatingin sakin uting unting lumalapit sakin syempre ako tinignan ko ng mabuti baka kasi namamalik mata lang ako pero hindi. P*t* may MADRE SA BINTANA NA PALAPIT SAKIN , hindi ko alam gagawin ko that time so ako talukbong agad ng kumot at nagdasal kaya ayun naniniwala na ako sa mga kwento nila. Pero yung sa kabatch namin malupit, nakakausap nya daw yung batang nagpakita sakanya then sumunod pa daw sakanya. Sa katunayan sa bus pa namin pala sumakay pauwi.
BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
Short Storybased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2
