1:31 AM

416 5 4
                                        


This story happened last July 27, 2016. As a college student and a school buddy sa pinapasukan kong school (PUP Sta. Mesa) hindi na bago sakin ang umuwi ng gabing-gabi. Ganito na ako dati pa since high school. Kung hindi sa mga school activities or departments ay tumatambay ako sa bahay ng classmate ko tapos gabi na ako uuwi, actually hindi ako takot umuwi by myself.

One night, galing akong school, around 1:00am na natapos yung event. Wala akong kasamang umuwi kasi iba't iba ang destinations namin. May taga-pasig, taytay, alabang, makati, at ang iba naman within Manila lang and ako sa Quezon city pa. Sumakay ako ng jeep pa-cubao since gabing-gabi na roughly, 7-8 ang consensus namin. Kalimitan sa kanila mga students din ng PUP, I looked at them one by one. Naghanap ako ng kakilala ko and at the same intention may makausap, but they are not familiar to me. As time passes by, each of them are gradually disappearing. 2 nalang kami natira, ako at isang babae. Since maluwag na ang buong jeep pumwesto ako sa dulo malapit sa babaan. Sobrang lakas ng ulan at hangin nun, yung sinasakyan kong jeep parang lumilipad na. Pero si ateng kaharap ko di pa rin magising sa pagkakatulog nya.

That very moment nilabas ko yung payong ko at cellphone para tignan kung anong oras na and it was 1:23am. Since medyo malayo pa naman ako, umidlip ako ng kaunti kasi sobrang pagod na ako at gusto ko na talagang matulog. Nilapag ko cellphone ko sa harap ng bag ko kasi medyo malaki naman yun. Ilang minuto din akong nakaidlip, gumising na ako, baka kasi lumampas na ako sa bababaan ko. Paggising ko hinanap ko na agad ang phone ko para tignan ang oras, nagulat ako wala na sya sa harap ng bag ko. Hinanap ko sa kinauupuan ko, sa baba baka nahulog lang pero wala! Tumayo mga balahibo ko kasi yung phone ko medyo malayo na sa kinauupuan ko at naka-open pa ito.

Kitang-kita ko yung oras sa phone ko 1:31am, kahit sobrang takot ako kinuha ko yung phone ko. Wala akong ibang inisip na gagawa nun. Hindi pwedeng ako kasi bago ako umidlip nilagay ko yun sa harap ng bag ko, hindi din pwede si ate kasi mas masarap pa tulog nya sakin. Hindi din si manong driver kasi nasa harap sya, nasa dulo naman ako! Tsaka bakit naka-open? Tapos ang nakapagpacreepy pa ng gabing yun pagkakuha na pagkakuha ko ng phone ko tumingin ako sa harapan para tignan kung nasaan na kami. Nagbend ako para makita ng malinaw. Pero pagkabend na pagkabend ko napatingin ako sa front mirror sa tapat ng driver. Kitang kita ko dun, ako at ang driver nalang sa jeep ang natitira. Biglang nawala ang babaeng kaharap ko kanina. As in nilibot ng mata ko ang every corner ng jeep, pero nang actual ko syang tignan sa kinauupuan nya nandoon pa din sya and still tulog.

Napadasal nalang ako bigla sa kinauupuan ko, that night was so unnatural.

Kilabot Secret filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon