1901 po naitayo ang high school namin. Kaya marami na rin pong nasaksihan na pangyayari sa kasaysayan ang school na yun kasama na ang mga nangyari sa pagsakop ng mga hapon. Ang high school po namin ay pinamamahalaan ng mga madre mula noon hanggang ngayon. Pero noong panahon ng mga hapon, ginawa pong opisina ng hapon ang building ng school (old building), ginawa na rin po nilang kampo. Marami silang pinatay at tinuture sa lugar na yun, inalila ang mga madre, nirape, ang iba pinugotan pa ng ulo. Masaklap po ang kasaysayan ng building na yun pero di na ito giniba kasi naging parti na ng kasaysayan. Kaya hanggang ngayon nakatayo pa rin ito. Noong high school pa ako, lagi akong nakatambay sa old building. Doon kasi kami nagtatago ng mga barkada ko kasi bukod sa malamig dun, di pa kami nakikita ng mga teacher. Lagi kong nakikita ang isang pugot na madre dun napalakad-lakad. Isang araw, nauna ako dun tumambay habang hinihintay ang mga barkada ko. Mag isa ako dun nang biglang may narinig akong iyak sa may isang room dun. Tiningnan ko yung room at tama nga hinala ko, nakita ko ang madre,pugot ang ulo, hawak-hawak nya sa kamay nya ay rosaryo at sa kabilang kamay ay ang ulo nya, umiiyak ito na parang humihingi ng tulong. Di sya mag isa dun, may nakikita din ako doon dati nung bukas pa yung third eye ko na bata, mga sundalo, babae, pari. Hanggang ngayon, pagumuuwi ako sa amin at pumupunta ako sa building na yun, di pa rin ako mapalagay, napakabigat ng pakiramdam sa surroundings ng building na yun. Nandoon pa rin sila
BINABASA MO ANG
Kilabot Secret files
القصة القصيرةbased on true story Kwentong nakakakilabot sa buhay at karanasan Please READ THE BOOK 2