ROBERT THE DOLL

470 138 2
                                    

Ito ang manikang may kababalaghan noong dekada 80, tumira ang pamilya ni Thomas Otto sa isang mansion sa kanto ng Eaton and Simonton, Florida.

Kilala ang pamilyang Otto sa lugar dahil nanggaling into sa mayamang angkan. Lumaki ang mga anak ng mag-asawang Otto sa marangyang buhay.

Kung tutuusin at nagbabalat-kayo ang mag-asawa. Sa labas, kunwari mapagbigay sila at nakikihalubilo sa mayayaman nilang kaibigan pero pag-uwi sa mansion at mapang-api silang tao.

Madalas na naiuulat na minamaltrato ng mga Otto ang kanilang mga kasambahay pero ang hindi alam ng pamilya, isa sa kanilang babaeng kasambahay ang maghahatid ng kasindak-sindak na karanasan sa buong pamilya.

Nagsimula ito noong mahuli ni Ms.Otto ang taga-Haiti o Haitian nilang kasambahay at nagsasagawa ng black magic sa kanilang bakuran.

Natakot si Ms.Otto kaya nagdesisyong palayasin ito. Bago umalis ang kasambahay, nagbigay ito ng isang manika kay Robert Otto. Si Robert ang anak ni Thomas.

Ang manika ay tatlong talampakan ang taas, butones ang mga mata, ang buhok ay maihahalintulad sa tao at ang balat nito ay yari sa straw.

Hindi uso noon ang laruang manika sa mga bata. Subalit ang manika na ibinigay ng kanilang misteryosang katulong ay naging espesyal kay Robert. Ipinangalan ni Robert ang paborito niyang manika sa kaniyang sarili.

Robert the Doll.

Walang araw na hindi ito nilalaro ng bata, dinadamitan niya si Robert the Doll at itinuring na matalik na kaibigan. Dinadala niya ito kung saan man siya magpunta, pinapakain ng sariling pagkain niyang baon at katabi niyang natutulog.

Dito nagsimula ang kakaibang relasyon ni Robert kay Robert the Doll.

Makalipas ang ilang taon, nagbinata si Robert. Pinili niyang tawagin siya sa kaniyang middle name na Gene at hindi Robert.

Sa isang dahilan, sa tuwing pinapagalitan kasi si Robert ng kaniyang Mommy, lagi niyang itinuturo na ang may kasalanan ay ang kanyang manika.

'Hindi ako ang may kagagawan, Mommy. Si Robert the Doll ang may kasalanan.'

Ito ang madalas niyang katwiran.

Lalo pang naging misteryoso ang samahan nina Robert at ng kaniyang laruan. Napapansin din kasi ng ibang tao sa paligid na kinakausap ni Robert ang manika.

Minsan ay nawawala si Robert the Doll at nakikita ng magulang na nagtatago sa gilid ng kwarto. At ang manika na si Robert ay nakikitang nasa kama naman minsan at si Robert mismo na tao na anak nila ay nagmumukmok at nakatingin lang.

Hindi na rin maitago ng mga magulang ni Robert ang pagtataka sa kanilang anak. Ibang-iba raw ito at napapansin nilang palaging nakakalat ang gamit sa loob ng kwarto ng binata kahit na wala namang tao sa loob.

Isang araw ay nakarinig ang mag-asawa na parang may kalaro si Robert sa loob ng kwarto. Tuwing nangyayari ang mga kakaibang bagay na ito, palaging sinasabi ni Robert na si Robert the Doll ang naglalaro at hindi siya.

Dahil sa nakahihindik na mga kwento ni Robert, isa-isang nagsialisan ang kasambahay ng mga Otto na natatakot na sa kanila.

Kumilos na rin ang mag-asawang Otto at nagpasiyang itago na ang manika. Ipinasok ito sa isang kahon at sa mahabang panahong itinago sa attic ng kanilang mansyon.

Nang namatay ang tatay ni Robert na si Thomas, naisipan niyang muling balikan ang kaniyang buhay pagkabata sa pamamagitan ng pagtirang muli sa Victorian Mansion nila kasama ang kanyang naging asawa.

Nag-iisang magaling na artist at pintor si Robert at naisip niya na ang kanilang bahay ang kaniyang magiging lugar para pagsanayan ang kanyang napiling propesyon.

Naalala niya ang kaniyang paboritong manika noon. Si Robert the Doll. Kaya naisip niyang umakyat sa attic at linisin ang laruan.

Nagbalik si Robert sa dating gawi. Naging kasundo nanaman ang manika kahit ayaw ito ng kaniyang asawa. Halos hindi mapaghiwalay ang dalawa pati sa pagtulog ng mag-asawa ay katabi ni Robert si Robert the Doll.

Sa inis, kinuha ng asawa ni Robert ang manika at muling itinago sa attic. Matapos niyang gawin iyon, naging mabait na ang pagsasama ng mag-asawa.

Nasiraan ng ulo ang asawa ni Robert hanggang sa namatay sa hindi malamang dahilan. Makalipas ang ilang araw, hindi na rin nagising si Robert at pumabaw na.

May estukulasyon na si Robert the Doll ang may kasalanan sa mga pangyayari sa mag-asawa base sa mga naiulat na pahayag sa America, sa attic ikinulong ni Robert the Doll ang kaniyang mga biktima at pinapaslang.

Nakarinig daw ng nakakatakot na malademonyong tawa sa isang kwarto ng mansyon ang mga dumaraan sa kanilang bahay. Si Robert the Doll lang ang nag-iisang nakatira sa mansyon sa panahong may kababalaghang nagaganap na. Hanggang sa mayroong baging pamilya ang nagbalak bumili at tirhan ang mansyon.

Itinagong muli ng mga bagong may-ari si Robert the Doll sa pinakasulok ng attic. Kasindak-sindak ang nangyari dahil kahit itinago na ang manika sa attic ay nakikita pa rin nila ito na nakakalat sa sahig ng kanilang sala at minsan ay nasa kusina.

Ang pinakanakakatakot, ng makita ng mag-asawang bagong bili sa bahay na si Robert the Doll ay nasa kanilang paanan sa kwarto, may hatak na kutsilyo.

Ito ang naging dahilan para itapon na ang manikang si Robert the Doll.

Nadampot ng awtoridad si Robert the Doll at dinala sa Eastern Martello Museum sa Florida dahil sa mga urban legend na kumakalat kaugnay sa manika.

Inilagay ang manika sa isang glass box bilang tirahan at inoobserbahan nila ito. Napansin ng mga gwardiya na nagbabantay na minsan ay nakangiti ang manika at minsan ay nakangisi.

Pinaniniwalaan nila na gumagalwa ito tuwing hatinggabi dahil kapag pinapatay nila ang ilaw sa Museum, nakaririnig sila ng kaluskos at kapag binubuksan nila ang ilaw ay iba na ang posisyon ng manika

Isa ring mangkukulam si Robert the Doll ng sabi nila.

Kapag gustong magpa picture ng mga tao sa manika, kailangan humingi ng abiso sa kanya.

Kapag umiling daw ang manika, ibig sabihin ay ayaw niyang magpakuha ng picture pero kung matigas ang ulo at itinuloy pa ring magpakuha ng kung sino mang turista sa tabi ng manika, isinusumpa raw nito at may mangyayaring masama hanggang sa ngayon ay nasa Eastern Martello Museum si Robert the Doll at ipinagpapatuloy pa rin ang pananakot sa mga tao sa Florida...

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon