ALIEN MONSTER IN ILLINOIS

384 172 0
                                    

Isang gabi noong April 25, 1973, ang bata na si Greg ay mag-isang naglalaro sa bakuran nila Ionville, Illinois. Bigla na lang siyang inatake ng isang nilalang na hindi maipaliwanang ang itsura.

Gula-gulanit ang suot na sapatos ni Greg ng siya'y atakihin at pumalahaw siya ng iyak sa labis na sindak. Ilang sandali lamang, ang kapitbahay naman nina Greg na si Henry McDaniel ay nakarinig ng kaluskos sa kanilang pintuan.

Binuksan niya ito at tumambad ang isang nilalang. May taas ito na 5 ft., tatlo ang paa, ang dalawang maikling kamay ay nakakabit sa dibdib sa halip na sa gilid ng balikat.

Mahahaba ang mga kuko, makapal ang buhok pero malangis. Pula ang kulay ng mga mata na kasinglaki ng bola ng billiards.

Bago pa iyon, nagsumbong na kay Henry ang asawa't mga anak na may nakita silang nilalang sa loob ng bakuran.

Sa una'y nagtangkang pumasok sa bahay nila ang nilalang, tinawanan niya ang mga anak noong ito'y magsumbong pero biglang naniwala si Henry dahil nasa harap na niya mismo ang nilalang na sinabi ng kaniyang pamilya.

Sa tindi ng takot na nakita niya sa pinto, tumakbo si Henry sa kwarto at kinuha ang baril. Pagbalik niya sa pinto, nakatayo pa rin ang nilalang kaya binaril niya ito. Tinamaan sa unang putok saka tumalilis papalayo.

Sabi ni Henry, ang taas lumundag palayo ang nilalang na iyon.

Nagreport sila sa pulis at makalipas ang ilang araw, dumami ang report sa police station na may ganon ngang nilalang na gumagala sa kanilang lugar.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, muli itong nakita ni Henry, makalipas ang ilang linggo. Nakatanaw siya noon sa binatan nila at nakatingin sa riles ng tren na malapit sa kanilang bahay.

Biglang dumapo galing sa itaas ng riles, naglaro-laro saka ito lumayo ng lumayo.

Anong uri ng hayop ang nilalang na iyon? Walang matukoy hanggang sa ngayon kaya naniniwala ang marami na ito'y isang naligaw sa Planet Earth na isang alien being.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon