HIDDEN ALIENS IN AREA 51 2

199 69 0
                                    

Nagbigay ng pagkakataon ang NASA Administrator noong 2009 na si Charles Bolden.

Sa kabataang kumausap sa kaniya ng mga sampung taong gulang na bata na mga estudyante pa.

Hindi naiwasan ng dating NASA boss ang tanong ng mga bata tungkol sa alien beings, gusto ng mga bata na sagutin sila ng tuwiran ukol sa bagay na ito.

Kaya ang sabi ni Bolden, naniniwala siya na totoong may ibang buhay sa ibang planeta at maaring ibang klase ng nabubuhay roon.

Balang araw ay makikita raw natin ang mga ibang nilalang na ito.

Sabi ni Bolden, libo-libong planeta ang nasa kalawakan at posible na may katulad din ang ating Planet Earth na may buhay rin.

Tungkol sa kontrobersyal na Are 51, ang sagot niya sa mga batang curious sa lugar na ito ay tuwiran rin naman.

Ayon kay Bolden, nakapasok na siya sa Area 51, may sikreto talagang laboratoryo ito ng Amerika pero normal lamang na whizzers and development place.

Ang tingin niya rito at walang aliens na nakita rito at ang spacecraft na pinag uusapan ay wala siyang nakita roon.

Ayon sa dating NASA Administrator, kaya hinog na hinog ang isyu ukol sa Area 51 na pinagtatalunan na meron bang nakatagong spaceship at alien ay dahil meron talagang aeronautics research na ginagawa pero sikreto ang lahat.

Kaya may namamayaning intriga, inulit niya sa mga bata na kahit walang alien na nakikita sa loob ng Area 51, tiyak na may alien beings sa ibang planeta na matatagpuan din natin balang araw.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon