ALCATRAZ PRISON

479 188 0
                                    

Ang kinatatakutang isla sa San Fernando, Alcatraz ay nasumpungang may mga multo.

Ang Alcatraz ay kulungan, isang maliit na isla sa San Francisco, California. Marami ang mga notorious na kriminal ang nakakulong doon sa paniniwalang hindi kayang tumakas mula roon ang mga preso.

Ngunit marami ang kwento na nakatakas sa isla ang nga bilanggo noon kaya inabandona at naging tourist attraction na lamang ngayon.

Bawat sulok nito ay may kasaysayan ng malupit na nakaraan para sa mga bilanggo. Ngunit ang ilang nakapupunta roon ay nagkukuwento na may kaluluwang nagpapakita rin sa Alcatraz.

May mag-asawa na nagtungo roon mula sa England. May dala silang camera at nakapitik na may katibayan na may kaluluwang gumagala sa Alcatraz.

Isang dating selda ang nakatawag ng pansin sa kanila. Kinunan ito ng litrato at sabi ng babae, wala siyang nakitang anuman noong kasalukuyang pinipicturan ang selda ngunit nang silipin niya ang buong larawan lunitaw ang isang babaeng nakaitim at ang itsura ay mula sa sinaunang panahon.

Nangilabot siya dahil wala naman siyang nakitang babae sa pinagkunan ng selda.

Noong 1950's, ang mga unang pinapunta sa Alcatraz ay ang mga salang militar. Ang parusa sa kanila ay bumuo ng kulungan sa binansagang The Rock.

Ginamit ng US Army ang isla ng Alcatraz hanggang 1933. Pagkatapos noon ay ginawa na itong kulungan na mayroong maximum security ay minimum priviledge penitentiory.

Ang layunin ng gumawa ng Alcatraz ay maging kulungan talaga ng mga notorious na kriminal. Apat lang ang ibibigay sa kanila habang nakakulong doon.

Una, pagkain. Ikalawa, damit. Ikatlo, tirahan at ikaapat, gamot.

Ang mga sikat na nakulong sa Alcatraz ay ang mga miyembro ng Mobster sa America tulad nina Al Capone, George Machine Gun Kelly at Doc Barker.

Ang mga katulad nilang kriminal noong unang panahon ay may mga prebilihiyong natitikman sa ibang bilangguan.

Ngunit sa Alcatraz, walang prebilihiyong ibinibigay ng sinumang prison guard.

May mabigat pa nga silang parusa sa tinatawag na 'Strip Cell'. Isa itong kwarto na gawa sa bakal at malamig talaga sa loob bukod sa madilim.

Kapag may matigas ang ulo na preso, ipinapasok sa Strip Cell ng hubo't hubad at banig lang ang ibinibigay. Walang gripo o banyo kundi butas lang sa sahig kapag gustong magbawas ang bilanggo.

Ang pagkain na ibinibigay ay tinapay at tubig lang. Hindi rin siya pinapayagang magkaroon ng dalaw o makausap ninuman.

Noong 1963, nagpasiya ang gobyerno ng America na isara na lang ang kulungang ito at naging isang tourist attraction na lamang.

Kaya marami namang mga turista ang nakaranas ng kababalaghan dahil may kasaysayan talagang mabigat. May mga pinagdadaanang parusa ang mga bilanggo ng Alcatraz.

May isang pasilyo sa Alcatraz na palaging mayroong nagpapakitang kaluluwa. Hinihinala na ito ay ang tatlong inmate noon.

Nagtangka silang tumakas noon at naabutan ng mga prison guard sa nabanggit na pasilyo. Doon sila inatake ng bala hanggang sa namatay.

Noon namang 1976, unang nakararamdam ang isang security guard ng kanilang mga kaluluwa. Narinig ng guard na may mga tumatakbo sa pasilyo at bigla silang humiyaw na parang mga binabaril.

Ang Cell 14 B, noong may mga nakakulong pa. Sinasabing nagsisisigaw ang isang preso magdamag. Hindi naman siya pinapansin ng mga bantay noon. Ang isinisigaw ay mayroong halimaw na sumasakal sa kaniya at humihingi siya ng saklolo.

Tinawanan lang siya ng bantay at hindi naniniwala na may halimaw. Kinaumagahan, nakita nila ang preso na patay na at may sakal nga sa leeg.

Matapos ang ilang araw habang may head count sa mga preso, nagtaka ang isang bantay noon kung bakit sobra ng isa ang pila. Sinabi ng mga nasa pila na ang namatay sa sakal na preso ay nakikita nilang nakipila rin kaya sobra talaga ng isa ang bilang.

Sa seldang ABC Block, nakakarinig naman ang mga turista na nananaghoy at umiiyak ang tinig.

May isang psychic ang bumisita noon upang alamin kung kaninong tinig ang umiiyak. Nagpakilala ito na si Butcher. Nang buksan ang prison records, ang tunay niyang pangalan ay Abby. Ikinulong siya dahil siya ay hard killer ng mga gang leaders. Ang bansag kay Abby ay 'Butcher'.

Noon namang makulong si Al Capone sa Alcatraz ay nagkaroon siya ng malubhang sakit na syphilis. Dahil gusto niyang maging masaya sa mga huling sandali, humiling siya na payagan siyang tumugtog ng banjo kasama ang ilang preso na may sariling banda.

Pero dahil maraning galit kay Al Capone bilang isang leader ng mafia noong siya'y malaya pa, hiningi niya na ang mga ensayo ay gawin sa isang banyo para ligtas at walang makalapit.

Ang banyo na ginagawang practice room noon ni Al Capone ay pinapasyalan ng isang park ranger. Minsan ay nakaririnig siya ng tumutugtog ng banjo aa loob ng banyo ngunit walang tao.

Hindi alam ng park ranger na ito ang kwento tungkol kay Al Capone at ang paggamit nito ng banyo bilang music room.

May mga turista na ring napapagawi sa banyo na ito at nakaririnig ng tugtog mula sa instrumentong banjo.
Kaya naniniwala sila na nagmumulto ang kaluluwa ng kilabot na si Al Capone.

May pagkakataon ding sa loob ng Alcatraz ay nakaamoy ang security guard ngayon ng mga sigarilyo na ginagamit ng mga preso noon.

Minsang ay may nakikita silang usok ngunit wala namang pinanggagalingan.

Ang pinakamalakas na naririnig ng mga turista at mga park rangers sa Alcatraz ay ang nananaghoy at iyakan ng mga kaluluwa na nagmumula sa mga lumang selda ng Alcatraz.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon