GHOST OF CHILD WITH BLACK EYES

177 67 0
                                    

Kasindak-sindak ang paglitaw ng isang nilalang sa Underground Passage ng tren sa London.

Munting nilalang ito na ang mga mata ay itim na itim at walang puti.

Matagal ng kinatatakutan ng mga nagtatrabaho doon ang pangyayaring ito.

Ang isang batang babae na lumilitaw na naka-itim na damit at ang mata'y walang puti kundi itim lang.

Nagsimula ito magparamdam noong 1980's pa.

Ngunit nitong nakaraang linggo, sa ibang parte ng tren, muling nanindak ang nilalang na ito.

Isang mag-asawa ang naghihintay ng tren kasama ang kanilang anak.

Bigla silang nakarinig ng hagikgik ng batang munti na nasa madilim na sulok ng tunnel sa kanilang kinatatayuan.

Biglang may lumitaw na batang babae.

Ang sabi nila ay isang talampakan lang ang sukat at nang ito'y humarap sa kanila, natulala silang tatlo at hindi nakakibo dahil kitang-kita nila na ang mga mata nito'y walang puti at purong puti lang na nakatitig sa kanila.

Saka ito naglaho na parang bula...

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon