LA PASCUALITA: CORPSE BRIDE

143 48 1
                                    

Si La Pascualita ay isang mannequin na nakasuot ng pagkasal, na buhay umano sa isang tindahan bilang display sa lugar na Chihuahua, Mexico sa nakalipas na 75 taon.

Ang mannequin na ito ay matagal ng nananatili sa isang shop ngunit sa likod nito ay may nakatagong nakakakilabot na kasaysayan.

Ayon sa urban legend, si La Pascualita ay hindi bastang mannequin lamang kundi ito ay ang na-preserve na bangkay ng anak ng dating may-ari ng nasabing shop.

Sa loob ng maraming taon, ang kwento ni La Pascualita ay nakahakot ng maraming atensyon sa nakararami tulad ng pagbisita ng mga tao kabilang na ang mga media sa buong Chihuahua hanggang Mexico.

Ngayon, ang mga tao sa South America, US at Europe ay nagsimula na ring magbayad para sa pagbisita sa naturingang corpse bride.

Sa bawat taong mapapdaan dito ay sinusubukang alamin kung ito ba ay totoo o hindi.

Sa pamamagitan ng kaniyang mga titig at makatotohanang anyo, siya ay naging usap-usapan sa nasabing lugar.

Unang nalagay sa pwesto si La Pascualita sa bintana ng nasabing shop ay noon pang Marso 25, 1930 at ito ay nakabihis ng pangkasal.

Simula noon ay hindi na malayo ang paningin ng mga tao sa bagong mannequin na ito na may bilog at makinang na mga mata, may totoong buhok at mga namumulang balat.

Napagtanto rin nila na ang mannequin na ito ay may hawig sa may-ari ng shop na si Pascuala Esparza.

Hindi nagtagal ay lumitaw ang isang kwento tungkol kay La Pascualita.

Sa katunayan pala na ang mannequin na ito ay ang naembalsamong anak ni Pascuala na namatay sa mismong araw ng kadal nito matapos makagat ng makamandag na itim na gagamba.

Ang pahayag na ito ay mabilis na kumalat sa buong lokal ng Mexico.

Nang oras na itinanggi ni Pascuala ang opisyal na pahayag na ito ay mariin niyang itinanggi ang kwento ngunit huli na ang lahat para dahil wala ng naniniwala sa kanya.

Ang pangalan na La Pascualita ay nakatatak na sa isip ng mga tao doon sa loib ng maraming taon.

At syempre, hindi mawawala ang mga kakaibang ganap na nangyayari sa loob ng shop dahil sa presensya ni La Pascualita.

May nai-report na may kakaiba kay La Pascualita pero ni isa sa mga ito ay hindi pa nakukumpirma.

Tulad ng may nakapagsabi na may isang French magician ang bumibisita sa shop tuwing gabi para buhayin ang mannequin at dalhin sa bayan.

Naniniwala ang ilan na sinusundan sila ng tingin ni La Pascualita at pawang nakasunod rin ito sakanila sa loob ng shop.

Pinaniniwalaan din nila na nagbabago ang kanyang posisyon sa bintana.

Para sa mga nagtatrabaho sa shop, ang mannequin ay lubhang nakakatakot lalo pa at araw-ⁿaraw pa nilang nakikita ito.

Ang mga iilang umalis sa shop ay hindi naging masaya sa kanilang trabaho dahil sa kanilang mga karanasan.

Ang mga suot ng mannequin ay pinapalitan dalawang beses sa isang linggo sa likod ng nakasaradong makakapal na kurtina.

Si Sonia Burciaga, isa sa nagtatrabaho sa shop ang nagsabing, "Tuwing pupunta ako malapit kay La Pascualita, pinagpapawisan ang mga kamay ko at kinikilabutan ako ng sobra. Napakatotoo ng mga kamay niya at mayroon kang makikitang mga ugat-ugat sa kanyang binti. Naniniwala ako na tunay siyang tao."

Ang engkwentrong ito ay nagmula pa sa taong nagpapalit ng kasuotan ni La Pascualita.

Posible nga bang ang mannequin na ito ay 75 taon ng bangkay na nakadisplay sa shop sa Mexico?

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon