EDWARD MORDRAKE (TWO FACE)

186 72 3
                                    

Hindi normal ang itsura ni Edward Mordrake noong siya'y isinilang dahil siya ay may isa pang mukha sa likod ng ulo.

Matagal siyang nagtiis pagkabata sa ganoong kalagayan.

Nang nagbinata si Edward ay halos maguho ang kaniyang mundo sa kaniyang dinadala.

Literal nga na may mata, ngipin, labi at ilong ang mukha sa batok niya.

Subalit wala itong kakayahang magsalita o kumain.

Ang kaya lang nitong gawin ay tumawa at umiyak.

Nagmamakaawa si Edward sa mga doktor na tanggalin na ang pinaniniwalaan niyang 'Demon Head' dahil naririnig niya itong bumubulong ng 'Satan's Languange' sa tuwing natutulog niya.

Kaya walang doktor ang may gustong gumawa ng operasyon sa kalagayan ni Edward.

Kaya sa hindi malamang gagawin, sa edad na 23, tinapos ni Edward ang kaniyang pagdurusa sa pamamagitan ng pagpapatiwakal para matigil ang sindak na kaniyang kinikimkim bawat saglit.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon