5 YEAR OLD MOTHER: LINA MEDINA

211 52 0
                                    

Si Lina Medina ay pinanganak noong September 23, 1933 sa Ticrapo, Peru.

Tagsibol ng 1939, lubhang nag-aalala ang mga magulang ni Lina na sina Tiburelo Medina at Victoria Losea upang patingnan ang kanilang anak na si Lina dahil ang tiyan nito ay lumalaki kaya natatakot sila na baka ito ay isang tumor.

Hindi na sila nag-atubili at dinala na nila si Lina sa clinic at agad naman itong tiningna ni Dr. Gerardo Lozada.

Noong una, inakala ng doktor na ito ay isang tumor ngunit sa mas masusing pagsusuri, nadiskubre nila na fully develop na ang reproductive organs ni Lina at siya ay walong buwan ng buntis.

Si Lina ay nagdudusa mula sa isang kondisyon na Precocious Puberty at sa katunayan, nagmula siyang datnan ng buwan ng dalaw noong siya ay walong buwan pa lamang.

Ang Precocious Puberty ay nagyayari kapag may abnormalidad sa utak at ito ay nagpapadala ng signal sa pituitary glands upang simulan na ang puberty.

Ilang linggo ang nakararaan mula ng huling pagbisita nila sa doktor, si Lina ay nanganak noong May 14, 1939 sa pamamagitan ng Caesarean Section dahil masyadong maliit ang kaniyang balakang para sa naatural na pagsilang.

Ang sanggol ni Lina ay pinangalanan niyang Gerardo, ito ay malusog at normal na may timbang na 6 lbs.

Dahil dito, opisyal na idineklara si Lina na pinakabatang nanganak sa kasaysayan ng medisina.

Si Lina at ang kaniyang anak ay pinalaki bilang magkapatid.

Walang nakakaalam sa lugar nila na si Lina at Gerardo ay mag-ina.

Nang kumalat ang kwento ni Lina sa publiko, agad itong pinag-usapan hindi lang sa Peru kundi sa buong mundo.

Ngunit may isang tanong sa isipan ng iilan, sino ang ama ng anak ni Lina?

Pagkatapos ng panganganak ni Lina, ang ama niya ay agad na inaresto dahil siya ang hinihinala na sekswal na nang-abuso kay Lina.

Mariin itong pinabulanan ng ama ni Lina at hindi niya raw ito kayang gawin sa kaniyang sariling anak.

Hindi siya nagtagal sa bilangguan dahil sa kawalan ng ebidensiya.

Isang artikulo ang sumuri sa kaso noong 1955 na iminungkahi na mayroong pagdiriwang na ginaganap sa mga nayon ng Andean kabilang ang lugar kung saan pinanganak si Lina.

Ayon sa kanila, ang mga pagdiriwang ito ay madalas nagtatapos sa mga di kaaya-ayang gawain kung saan ang panggagahasa ay tila naging pangkaraniwan lang.

Ngunit, wala namang konkretong ebidensiya na ito ay totoong naganap.

Sa kabila ng kontrobersya, nanatiling tikom ang bibig ni Lina kung sino talaga ang ama ng kaniyang anak.

Kaya ang pahayagan sa Peru ay masugid na inalok ang pamilya ni Lina ng libo-libong dolyar upang makapanayam si Lina at maidokumento.

May mga ilan ding nag-alok ng malaking halaga sa pamilya ni Lina na ito ay dalhin sa Estados Unidos upang itanghal sa mga circus ngunit walang nagtagumpay ni isa.

Sa paglipas ng panahon, si Gerardo ay kinilalang nakatatandang kapatid niya si Lina hanggang sa pagsapit ng 10 taong gulang nito, doon niya lang nalaman ang katotohanan.

Noong 17 taong gulang na si Lina, siya ay nagtabaho bilang sekretarya ng doktor na nagpaanak sa kaniya at sa kabutihang taglay nito, pinaaral niya di sa Lina.

Noong 1970, nagpakasal si Lina kay Raul Jurado at sa pangalawang pagkakataon, nanganak si Lina noong 1972 sa edad na 39 samantala si Gerardo ay lumaki ng maayos at namuhay ng normal tulad ng nakararami habggang sa binawian ito ng buhay noong 1979.

Sa kasulukuyan, si Raul at Lina ay namumuhay sa madaya sa kabila ng pagiging kapos sa pamumuhay.

Hanggang sa kasalukuyan, walang nakakaalam kung sino talaga ang ama ng unang anak ni Lina.

Marahil ay ayaw na niyang balikan ang alaala ng kahapon ngunit tanging siya lang ang nakakaalam ng totoong dahilan.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon